Typical Pinoy Teleserye

Nai-post ko na dito previously ang tipikal na makikita natin sa Pinoy movies. Just in case you blinked, here's the link.

Ngayon naman, uratin natin ang mga pangyayari sa isang tipikal na Pinoy Teleserye.





1.Nabubuntis ng lalaking amo ang babaeng katulong.

2.Madudulas ang bidang girl at masasalo ni leading man, naka-slow-mo pa

3.Yayaman ung bida at bibilhin ung kumpanyang nalulugi ng kontrabda.revelation sa stockholders meeting

4.Laging binabaril ang Mayor, Congressman o Presidente habang nagtatalumpati.

5.Maririnig ng kontrabida ung usapan ng mga bida, hindi siya makikita kahit hindi naman siya nakatago.

6.Hindi mawawala ang "Ang Kapal ng Mukha Mo!" at "HAMPAS LUPA!"

7.Yung iiyak sa shower after ng rape scene tapos unti-unting mapapaluhod at sabay sabi ng linyang "ang dumi-dumi ko"

8.Nababayaran ang doktor para dugasin ang DNA test results.

9.MABAIT at MATALINO ang BIDA... scholar sa school!

10.Laging nagkaka-amnesia, namamatay, or may nangyayaring masama sa may alam ng mga pasabog na sikreto

11.Namatay na pinaglamayan na,, tapos buhay pa pala.. 

12.Kapag nag-iisip ang BIDA.... laging may FLASHBACK!

13.Matutulog na lang at lahat ang eksena, putok sa pula ang lipstik ng matandang kotrabida 

14.Laging KATULONG ang role ng mga extra na matataba!

15.Tuturukan ng kontrabida ang bida ng lason sa hospital habang tulog or comatose 

16.Kalimitang gusto ng kontrabida ang syota ng bida 

17.Nag aaway dahil sa mana

18.Pag naaapi na yung bida, mangingibang bansa ito tapos pagbalik mayaman na!

19.Sumasabog na Ordinary Bus

20.Tutugtog yung themesong pag nagtagpo ng tingin ang mga bida

21.Kapag BROKEN HEARTED ang BIDA.. Mag-dadrive habang umiiyak tapos mababangga sa MALAKING TRUCK pero mabubuhay pdin!

22.Kapag isinumpa ang bida, sa ending... malilipat ang sumpa sa kontrabida.


22.Ang finale ay kidnapping scene sa abandonadong lugar.. at least may isang mahalagang karakter ang mamamatay

at tipikal din sa PINOY teleserye ang mga ito:

23.Si Jaclyn Jose kahit nasusunog na ang bahay kalmado pa rin -- MONOTONE

24.Struggling mother si Dimples Romana-- araw-araw umiiyak.

25.Laging may ubo si Susan Africa

26.Pag si Wenn Deramas ang Director, paniguradong kasali sa cast si DJ Durano.

Aminin mo, yan ang napapanood natin sa tipikal na Pinoy Teleserye :))

nabasa sa Twitter at kinumpayl

mula dito ang picpac


About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment