Ang salitang putok ay maaring mangahulugan ng sumusunod:
- putok as in tinapay
- putok as in tunog ( putok ng baril)
- putok as in mabahong amoy ng kilikili
Ang huling pakahulugan ang pag-uusapan natin ngayon. Ang Putok. Bow.
Putok. Anghit. Jabar. Shutoklamey. BO.Lahat yan iisa ang amoy--PASABOG! Ewan ko ba kung bakit nauso pa ang putok.Hassle kasi talaga. Kahit anung ganda o gwapo o talino mo-kung meron ka nito--wow, nakaka- turn off talaga. Agree?
Bakit nagkakaputok ang tao?
Metabolism imbalance daw ang dahilan kaya nagkakaron ng masamang amoy (sa kilikili particularly) ang isang tao. Usually bacteria sa pawis ang salarin-odorless naman talaga ang pawis.
Pwede ding kidney at liver disease at mga fungal infections ang dahilan nito.
Dyahe ang may putok.
Sa LRT, madalas akong may makasabay ng mga taong pasabog. Minsan nalilito ako--New Year ba? Bakit may nagpapaputok? E ang dami pa namang tao di ba? Siksikan. Tapos confident pa syang itaas ang kilikili nya! Amoy bayabas talaga! Wagas na wagas!
May kasabay nga ako noon-magsyota. Si babae, talagang inienjoy singhutin ang kilikili ng syota nyang naka-sando.Potek, kinaadikan pa?! Lakas ng trip tsong! Nakaka-high!Hahaha! Ang pagsinghot nya sa kilikili ng syota nyang may putok ay isang patunay na love is not only blind--it can't smell too!
Noong high school ako, may ilang kaklase din akong nagtataglay ng di kaaya-ayang amoy. Bad trip yun, kasi lalayuan ka talaga ng mga kaklase mo. Kawawa nga lang ang mga katabi nila-- magkakatabi pa naman ang desk namin noong high school. Wapak!
Kung ka-tropa mo ang may putok, madali syang pagsabihan na may kakaiba syang perfume. Mas mabuti ng kaibigan mo ang magsabi na may naamoy silang kakaiba sa'yo kesa isang tao na di nila kakilala--nakakahiya kaya yun.
Nasa Loboc River cruise ako noon, nang may lumapit na foreigner sa lamesa namin para kumuha ng litrato sa view--inangat nya ang kanyang camera at-- EKSPLOSIBO!!- isang wapak na wapak na putok ang pinakawalan nya! Halos maduwal ang kasama ko sa naamoy nya-- ganun ka-OA ang putok nya!
Minsan pa,nasa roof top ako-- para sa dinidirehe kong play. Mahangin. OA. As in wumawasiwas ang damit at buhok namin sa lakas ng hangin. Pagsipol ng hangin--tinangay ang amoy-sibuyas na putok ng isang cast ko. Wagas! Bulong ko sa stage manager ko- ' Pagsabihan mo naman si ***. May putok sya. I-share pa ba saten? Sya na lang kamo, wag ng ipaamoy saten.' =))
May paraan pa para pigilan ito.
Maligo lagi. Gawin araw-araw ang pagligo- hindi kung kelan lang gusto.Warm water ang dabest para mamatay ang bacteria.Ibabad ang kilikili sa sabon-- gumamit ng deodorant o anti- bacterial soap kung meron. Kung bonggang-bongga ang putok mo--as in pang PYROTECHNIC, maari kang magbabad sa bath tub--haluan ng 3 tasa ng tomato juice ang tubig.
Magsuot ng maluwag na damit. Mas makaka-'hinga' ang iyong katawan kung maluwag na damit ang iyong suot. Pag di maluwang ang iyong damit, maninikit ang pawis. Pag may pawis, posibleng maghimagsik ang iyong kilikili. At syempre, dapat laging labhan ang mga damit. Ang suot mo kahapon, wag ng irecycle bukas. Tandaan, iwasan ang masikip na damit--lalo na kung di ka naman balingkinitan. =)
Pagkain. Ang pagkain ng karne, sibuyas, bawang, exotic spices, pati na din ang pag-inom ng kape at alcoholoc drinks ay maaring magdulot ng PUTOK. Iwasan ito ng ilang linggo- and see the difference! Dahil, ang mga taong may putok ay madalas na di aware sa kanilang amoy dahil sanay na sila, ipaamoy sa friendly neighbor ang iyong kilikili--sya lamang ang makapagpapatunay kung naging mabisa ang pamamaraang ito.
Pagpapawis.Ang paggamit ng deodorant ay nagpapa-acidic sa kilikili- hence, mas nabubuhay ang bacteria. Iwasan ito hanggat maari. Rub na lang basang bimpo sa kilikili at patuyuin ito.
Ang sobrang pagpapawis ay maaring may mas malalim na dahilan. Run na kay doctor para magpatingin.
Yosi. Yes, contributory rin ang yosi sa putok mo. Sumisingaw din kasi yan sa balat. Kaya para iwas putok- mag-iwas na din sa yosi.
O kung may putok ka, may paraan pa.
No comments:
Post a Comment