2 years ago ng mag-balak ang aming company na magpunta sa Singapore. Ngunit dahil sa mga di inaasahang kaganapan ay naunsyami ang plano. Nakakalungkot, pero umasa kami na matutuloy pa din ito one day.
At bilang naging mabuti kaming mga empleyado, natupad na ang planong bakasyon sa Singapore last March 16! 3 days din kami dun--maiksi kung tutuusin pero ayos na din!
6am ang flight namin via PAL. At bilang 3 hours before flight, 3am ay dapat nasa airport na. Excited marahil kaya 2.35 am ay andun na kami..Wahahahaha! Wala kaming tulog kaya gudlak na lang sa mga itsura namin once lumanding sa Changi Airport.
Mga 9.30am kami dumating sa SG! Winnur! At sinalubong na kami ng aming tour guide na si Miss Noreen. Kakaylanganin ng interpreter para maintindihan ang sinasabi ni tour guide (although wikang Inggles naman ang gamit nya).
Nagulantang kami sa biglaang desisyon na mag-city tour na kami bilang di pa kami makaka-check in sa Hotel. Agad-agad?! Sunday pa dapat ang city tour as scheduled. Aba, di pa kami naka-outfit pang city tour! Pero no choice..so larga na sa city!
Huminto kami sa Raffles Hotel, umikot sa Suntec ,dumaan sa MBS at Sky Walker at nagpapiktyur sa Merlion.Ang ganda ng Singapore! May mga bahaging para ka lang nasa Makati. Pero malinis at madaming puno!
Raffles Hotel
Merlion Park and Marina Bay Sands
Winner din ang view deck sa taas. Kung afraid ka sa heights, kwidaw ka sa area na to. Pero ang views--- wow! Kita mo na ang buong city! Amazing!
ang infinity pool sa tuktok ng Marina Bay Sands..
the view..
Merlion at night
city lights..
MBS at night
Galit sa ilaw ang SG pag gabi..hahahaha. Wala silang kabalak-balak pailawin ang buong city! Para akong bata na aliw na aliw sa napakaraming ilaw nung gumabi.
Bukas ang rest ng SG tour. Pakk!
No comments:
Post a Comment