Dear Xerex,
Magbabahagi sana ako ng kwento ng aking bakasyon sa Singapore pero nagulat ako sa balitang dinatnan ko pagbalik ko sa Pinas kagabi.. Wala na pala si GC! :(
1988 nung una kong nakilala si GC. Masaya syang kasama. Tanda ko pa, pag mainit ang ulo ko at nagwawala ako nung bata pa ako, si GC ang takbuhan ko.
Enjoy ang company ni GC. Halos lahat ng gusto ko, binibigay nya. Lamig pag naiinitan ako..Pagkain pag nagugutom ako..Masahe pag pagod ang aking katawang lupa..Damit at sapatos na gusto ko. Takbuhan ko si GC sa mga panahong bored ako sa amin.
Si GC din ang nagprovide ng mga gamit ko sa eskwela nung nag-aaral pa ako. Libro, notebook, ballpens, index card, ruler..lahat! Sa kanya ko din nakuha ang karamihan ng mga gamit sa aming bahay. Bongga si GC!
Si GC din ang naging daan para mapanood ko ang napakaraming palabas sa sinehan. Sya ang kasama ko sa mahabang pila ng MMFF! Tanda ko pa nung high school, pag may bagyo at suspended at klase, si GC ang kasama ko.
Nito lang nakaraang Martes, na kay GC na naman ako..Hindi ko maitatangging malaking parte ng buhay ko (at ng marami pang iba) si GC.
Oo, nagulat ako na wala na si GC! Umalis ako sandali sa Pinas noong nakaraang Biyernes para makapagpakuha ng litrato sa Merlion at maglulundag sa Universal Studios at Sentosa sa Singapore. Hindi ko alam na yun na pala ang huling araw na masisilayan ko ang masayang kasamang si GC..Wala ako sa panahong naghihingalo ang buhay ni GC. Wala din naman akong magagawa kung sakali. At yun ay masakit sa bahagi ko, Xerex!
Yes Xerex, tinapos na ni GC ang kanyang buhay. Isang malalang sunog ang tumapos kay GC!Nalungkot ako. Pinigil kong maluha. Marami kaming pinagsamahan. At mukhang natapos na ang higit dalawang dekadang pagsasama.
Paalam GC. Paalam Grand Central!
Masakit man ay kaylangan ko na itong tanggapin. Bumili na ako ng gulong para madaling maka-move on.
Hanggang dito na lamang at hanggang sa muli.
Nagmamahal,
Direk
PS:
May chismis na sa pagkawala ni GC ay papalit naman si SM. Sana..
No comments:
Post a Comment