Nitong nakaraan ay natunghayan nyo ang kwentong pag-ibig nating : Dear Charo Presents, My Tru Lab.
May mga natanggap akong komento na sana ay madugtungan pa ito ng Part 4 o kaya'y muling magtagpo ang ating mga bida.
So eto na nga, upang madugtungan naten ang kwento, kinaylangan kong balikan ang lugar na pinagsimulan ng lahat- sa Marinduque.
Kasama ang isang kaibigan, tumulak kami noong nakaraang Lunes Santo ng gabi patungong Marinduque. Habang nasa bus papuntang Dalahican port sa Lucena ay nagdadasal ako na sana nga ay makita kong muli si MTL.
Dumating kami eksato alas-dose ng madaling araw sa pier. Inilibot ko ang mga mata ko sa pagbabakasakaling andun din si MTL at uuwi din ng probinsya-ngunit WALA.
Umaga na ng dumating kami sa Boac, ang capital ng Marinduque. Nakakatuwa, muling nanumbalik ang mga naiwang karanasan ko sa lugar na iyon labing-isang taon na ang nakalipas. Andun pa din ang botika na minsan naming hinintuan ni MTL upang bumili ng vitamins nya. Nandun pa din ang gasoline station na madalas namin puntahan sa tuwing mauubusan ng gas ang motor nya- yun nga lang, sarado na ito.Halos walang pinagbago sa lugar- panahon at hitsura ko lang ang nag-iba.
Dahil wala halos tulog sa biyahe ay minabuti muna naming matulog ng sandali. Nagpasya akong sa hapon ko na lang susuyurin ang bayan sa pag-asang makikita ko si MTL.
Masaya sa bayan- parang hindi Semana Santa. Paroot-parito ang mga tao. Sa plaza, kung saan magaganap ang pagtatanghal ng Senakulo at idinadaos ang isang 'expo' -ay fiestang-fiesta! Patuloy ang paggala ng aking mga mata sa pag-aasam na sana isa mga nandun ay si MTL--ngunit WALA.
Sa tuwing may prusisyon ay humuhimpil muna ako sa isang lugar upang pagmasadan ang mga taong sumasama doon. Wagas kong inisa-isa ang mga nasa prusisyon sa pag-asang makikita ko si MTL; kulang na lang ay harangin ko ang lahat para masigurong walang nakaligtas sa aking mga tao-- ngunit WALA.
Sa plaza, walang kapagurang rumolyo ang aking mata sa libo-libong taong nanood ng senakulo--ngunit WALA.Hinanap ko din sya sa EXPO.Gabi-gabi kaming tumambay sa loob sa pag-asang dadaan din sya dun--ngunit BIGO pa din.
Lumipas na ang ilang araw at ako'y di nagtagumpay sa paghahanap kay MTL. Ninais kong pumunta sa NSO upang ipagtanong sya. Ninais kong hanapin ang pangalan nya sa munisipyo, sa ospital, sa Marinduque State College, sa mga tindahan dahil baka mahaba na ang listahan ng kanyang utang..hanggang nawalan na ako ng pag-asa..
Marahil, hanggang PART 3 na lang talaga ang istorya namin ni MTL. Wala ng Part 4. Period na. Masakit man tanggapin, pero ang paghangad ko na balikan ang isang dating pag-ibig ay hindi naging matagumpay.
Naging masaya din naman ang bakasyon ko doon, kasama ang aking 'kaibigan', mga pinsan at pamangkin. Mas masaya sana kung kahit paano ay nakita ko si MTL--pero ganun siguro talaga. Tapos na ang istorya namin..Labing-isang taon na ang nakaraan at tanggap ko na din naman na may asawa at pamilya na sya.
ANG TWIST
Bumalik ako sa Marinduque upang hanapin ko ang isang dating pag-ibig. Ang di ko alam, ibang 'dating' pag-ibig pala ang manunumbalik.. Oo, si 'kaibigan' ay isa kong 'ex'. Kumportable naman kami bilang magkaibigan-halos isang taon na din kami mula nung maghiwalay pero nanatili kaming mabuting magkaibigan. Sa di inaasahang pagkakataon, na-realize namin na buhay pa din ang pagmamahal namin sa isa't isa. Akalain mo nga naman?
Di ko man natagpuan si MTL, isang naunumbalik na pag-iibigan naman ang aking nahanap. (Cue Endless Love here)
wow congrats friendship. cheers para sa inyong love life. :) i am so very happy for you.
ReplyDelete@miss teng..hahaha salamat..kami ay nasa panahon ng muling pagkilala sa aming mga sarili..sana nga ito ay lumawig pa..hahaha
ReplyDeletesayang naman sana nagkatuluyan kayo nafefeel ko talagang maganda tong letter sender na to <3 bagay sila :)
ReplyDelete