Samu't sari sa LRT 2: Ang Babaeng Walang Modo


Pauwi na ako kagabi with my officemate Francis. Umuulan and most passengers were sleepy- probably tired from a day's work. Pabagsak na ang mga mata namin ng ginulantang kami ng isang papansing boses- isang babaeng may kasusap sa cellphone.Napakalakas ng bibig- headturner talaga!


Babaeng Walang Modo ( BWM ): Ay sh*t! Naiwan kong nakacharge 'yung isang cellphone ko sa work!

Babaeng Gatungera ( BG ) : O, e di tawagan mo si Ruth.Andun pa sila.Sabihin mo itabi muna.

BWM: Naka-charge pa naman yun..E naka- lock na yung pinto ko.

BG: E di pabuksan..

BWM: Sige,tawagan ko si Ruth..


BWM: ( in a loud voice ) Hello!! Hello!! Hoy Ruth,naiwan ko yung cellphone ko diyan. Naka-charge pa..Kunin mo.

Ruth (?): ....

BWM: E kunin nyo!Baka magka-sunog pa!

Ruth: ....

BWM: Pumasok ka nga! Tanggalin mo sa saksakan!Baka magkasunog tayo diyan!

Ruth: ....

BWM: Sabihan mo si Ma'am na papasok kayo ulit.Tatanggalin kamo ung naka-charge na phone...O sige,tawagan ko sya!


BG:O, ano daw?

BWM: Tawagan ko daw si Ma'am para sabihin na papasok sila.

BG: E tarantado pala sya e..Bakit di pa sya ang tumawag?Baka magkasunog pa dun!

Ako: (Balloon) Ang kapal ng mukha nitong dalawa..Di na nga marunong makiusap,minura pa yung babae!


Sa cellphone ulit..

BWM:(Mahinahon at pa-sweet na) Hello!Hello!Pakausap naman kay Ma'am Dina...

Helo Ma'am,naiwan ko po kasi yung phone ko..e nakacharge..Papasok daw po sina Ruth. Andito na kasi ako sa LRT,pauwi na...A ok sige po..Salamat..


Balik kay Ruth..

BWM: (Pasinghal) Hello! Ano?Ano? Sabihin mo daw kay Ruth sabi ni Ma'am Dina tarantado sya!

Ako: (Balloon) Ang kapal talaga ng mukha!!! %#@*

BWM: Ano?Nakasaksak nga? Pumasok na nga kayo para tanggalin..


BWM: Ang tatamad kasi e..

BG: Oo nga, papasok lang nag-iinarte pa.. (with matching ismid )


Ako: (Balloon) ang kakapal ng mukha talaga..Di na nga nakiusap, tinawag pang tamad yung pobreng babae

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment