La Union Lakwatsa (Ang Panimula) - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Tuesday, April 22, 2014

La Union Lakwatsa (Ang Panimula)

Anim na housemates ni Kuya ang binigyan nya ng isang task outside the Big Bro house nitong Holy Week. Itago na lang natin sila sa pangalang Bough, Whey, Kap, Drin, Arnie at Tong.

Ang task nila ay huwag mawalan ng PASENSYA sa gagawin nilang 3 day trip.

Wednesday, 11pm ang call time kina Kap. Lahat ay dumating ng on time except kay Drin. Late sya ng 29 minutes. 29 freaking minutes! Kung may botohan lang nung gabing iyon, malamang na-evict na sya sa pagiging cause of delay.

Larga na ang team papuntang Partas, Cubao. Nanlumo ang grupo. May ilang libong tao na ang nandun. Lahat ay di makasakay. May ilang mga lumalapit para sa van rental. P7,500 daw papuntang La Union.

Watdapak?? P7,500 talaga? Tagaan? 

P10,000 ang singil nila kung pa-Ilocos ka. Tsk. 

Options. Options. Options. Naisip ng grupo na magbakasali na lang sa Balintawak.  

Pagdating dun, wala din masakyan. Invite ng isang taxi driver, P40,000 daw papuntang La Union.

Muntik na syang mamura ni Bough. Nagtimpi sya dahil Holy Week. 40 freaking thousand pesos??? Aba, pang down na sa 2nd hand car ang hinihingi nya sa halagang yun.

Tawid ang grupo sa Edsa Balintawak. May kung ilang daang tao na din ang nandun at lahat nag-aabang na makasakay.

Pasensya. Mukhang papunta pa lang ay susuko na ang mga housemates dahil di makasakay. Pero wala ng atrasan ito.

Tumawid muli si Kap sa kabila, para i-check kung ang ilang mga nagbabagsak ng gulay ay pwede silang isabay sa pagbalik sa North. Ngunit sya'y bigo.

Para dito. Para doon. Para everywhere. Paraguay!

Pati taxi, pinara na nila. Sa kakikembot ni Drin para pumara ng mga taxi, ay may kumagat naman.

Yes, nag-taxi ang grupo hanggang Mabalacat, Pampanga sa halagang P1,500.

Keri na. Bahala na ulit pagdating sa Mabalacat. Alas tres na din at ilang oras na ang nasayang.

Siksikan sa loob. Walang galawan. Halos isang pwet lang ni Bough ang nakaupo. Nakapatong ang hita ni Arnie sa isang hita nya sa entire byahe. Penitensya talaga. Hirap ang lahat sa pwesto habang si Drin ay prenteng nakaupo sa pwesto nya at mabilis na nakatulog.

Kung may botohan lang nung oras na yun ay malamang inevict na sya. :)

5am na ng marating ng grupo ang Mabalacat, Pampanga.

At syempre, madami pa ding tao. At wala pa din masakyan papuntang La Union.

May nag-offer ulit ng van. P4,000 daw. Ekis.

Wait ulit ng options ang grupo. May lumapit na mama. P4,000 daw para sa kanyang krug krug na jeep.

Ekis-sabi ni Kap. Baka di umabot ang jeep sa La Union. At 4 freaking thousand  pesos talaga???

Mahigit one hour ng naghihintay ang grupo para sa isang himala. Umaraw na at maraming oras na ang nawala. May nag-offer ng van for 6 freaking thousand pesos. Ekis.

Ani Whey: 6 freaking thousand pesos na van o uuwi na lang ng Manila??

Oh no! Mukhang matatalo sa challenge na pahabaan ng pasensya ang grupo. 

But wait! May isang public bus na rutang Pampanga ang nag-change of heart na at naisip na bumyahe na lang papuntang La Union. Jump na ang lahat inside agad! Best of all, 250 lang ang pamasahe papunta sa La Union. OK na kumpara sa 6k na van.

Nabuhayan ang grupo. Finally, matutuloy na ang La Union adventure.

Almost 12nn na at wala pa din sila sa Bauang, La Union. May mga bahaging traffic din kasi. 

At dahil when it rain, it pours--nawalan ng preno ang sinasakyang bus ng grupo. Mabuti at nakalsuhan agad ang gulong bago pa gumulong pababa ng ravine ang bus nila. Chos.

Wait pa ng ilang minutes at nagdecide na si Manong Driver na di na maayos ang mechanical problem. 

Talagang hanggang dulo dapat may challenge pa din?! 

Baba ang grupo at may I decide to take jeepney instead.

Ala una ng hapon ng marating ng grupo ang Bauang, La Union.

14 hours of pagaantay at pagbyahe + masikip na sasakyan + init/ uhaw/pagod + everything in between = La Union!!

Dahil di sumuko ang grupo at lahat sila ay di naubusan ng pasensya, sila ay biniyayaan ni Kuya ng isang masayang bakasyon sa Norte. :P

Ang reward:


**
Let's connect.

2 comments:

  1. Bakit po di nabanggit ang CAURINGAN ELEMTARY SCHOOL na nadaanan ng Housemate.

    ReplyDelete
  2. hahahaha..di ko kasi napansin yun..sayang..sana napicturan naten :P

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages