Back In The Habit - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Tuesday, August 6, 2013

Back In The Habit

Na-miss ko ang magbasa. Bakit kasi wala ng Sagad ngayon? O palihim na naman itong ibinebenta kaya di ko matyempuhan..lolz

Seryoso, na-miss ko ang magbasa. Yung wholesome. Hihihi.

Noong elementary ako, summer pa lang ay binabasa ko na ang mga libro ko para ready na pagdating ng opening ng classes. Nasa grade 5 na ako nung nakahiligan kong tumambay sa library at humiram ng books kay Sister Sot para basahin sa bahay. Ang mga libro ng mga tito at pinsan ko na nasa bookshelf namin ay madalas ko din pakialaman pag walang ginagawa. #AkoNaAngBookworm :)

Nasa high school ako nung regaluhan ako ng tito ko ng annual subscription ng Reader's Digest. Hanggang 4th year yun. Nung nag-college na, wala na.Pero ayos lang. Pwede ng pagtyagaan ang Dear Xerex column sa Abante. Dyoks lang.

Mahilig ako magbasa. Noon. Pati mga label ng mga pagkain at kung anu -ano pa, binabasa ko. Pati mga text sa inbox ng mga kaklase ko nung college. :)

Sa paglipas ng mga panahon, naging madalang na ang pagbabasa ko ng libro. Isinisingit ko na lang pag may time. O kaya may pag may budget para bumili ng libro.

Like ko ang mga likha ni Bob Ong. Aliw. Astig. May nakapag-sabi nga sa akin, kaya ko din daw magsulat ng tulad ng ginagawa ni Bob Ong. Alam ko binobola nya lang ako. Pang- Mitch Albom na may touch ni Sidney Sheldon at puso ni Nicholas Sparks ata ang karakas ko. Chos.

Na-miss ko ang magbasa. Naisip ko, marami naman ng EBooks (masakit nga lang sa mata pero keri na din!) na pwedeng makuha sa net.

And so, I promised myself, I'll go back to my old habit of reading. Kesa tumunganga ako sa bus habang pinapanood ang ingay ng mga host ng Unang Hirit, kapag bumabyahe papasok sa opisina, mas mabuti ng magbasa na lang ako. Kinakalawang na din kasi minsan ang utak ko, kaka-pekbuk. Ahihihi.

I started reading again last May. Hanap-hanap lang. Kung anu sa tingin ko ang interesting.

So far, natapos ko na basahin ang mga sumusunod..May ratings din ako for review-review-han kemerut..Ahihihi


Medyo pang-bagets ang "Are You There God, It's Me Margaret" pero may nabasa kasi ako na isa ito sa mga librong dapat mabasa mo. So, binasa ko na dahil na-curious ako. :) Pwede na sa 2.5 out of 5 stars.


Nakakainlab 'tong The Wedding. Sequel ata ito ng The Notebook (na di ko pa nababasa). Nakakaiyak, nakaka-tats at mas lalo kang maiinlab sa novel na ito. Gugustuhin mo din ng bonggang wedding after! I highly recommend this book so Im giving it 5 stars!

At dahil natuwa ako kay Nicholas Sparks, itinuloy ko na din ang pagbasa sa The Last Song..


Nakaka-tats din itong The Last Song. I even watched the movie kasi gusto kong makita how it will be executed sa film. I didn't like Miley Cyrus in the movie, at most times ay naba-bother ako sa lips nya kaya di ko masyadong nagustuhan yung movie. As always, the book was far more better and more heartfelt and inspiring. Rating: 4 stars.


I loooooooove Mitch Albom. I've read Tuesdays with Morrie and watched the movie many times, and still get to cry over again. I have also read 2 other books from him and the latest addition is this one. Worthwhile reading and definitely inspiring. One should never miss this one. 5 stars!


I kind of like this book. Although I felt Im a little old for this one. Pang-bagets ang book na ito. But of course, there are situations here where we can relate in a way. I got to watch the movie too last night. The book was thought-provoking and I felt it was beautifully crafted in the big screen. May ilang eksenang medyo Rated SPG. Over-all the book was brutally honest and an experience. Rating: 4.5 stars.

Currently I'm reading Ellen Degeneres' Seriously..I'm Kidding. It was hilarious! :) I cant wait to finish all the pages.

Im just glad Im back in the habit of reading. Really. :)

So there.

2 comments:

  1. This post made me realized how I lost time in reading. Nagtapos yata sa Mills and Boons ang reading career ko.. sana I could have more time to do this

    ReplyDelete
  2. We all definitely must find time to read more books. Just this morning, I downloaded 4 more books..goodluck na lang at sana matapos ko lahat :)

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages