OMG Moments - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, August 7, 2013

OMG Moments

OMG
Net-centric abbreviation for the popular exclamation "Oh my God!" (generally used in conversations to exclaim surprise or disgust). Most commonly used by teenage girls who find it depressingly hard to type out an entire word. (via Urban Dictionary)


OMG. Ang expression na over at misused madalas. As in maka-OMG lang. To explain surprise at disgust daw kaya ka napapa-OMG. 

Tulad ng:

OMG!! Nakita ko ang crush ko at nalaman kong di nya ako crush!

OMG! Palakol na naman ako sa Math. Nag-review naman ako..patay ako nito sa tatay ko!

9am na! OMG! May interview ako ng 8am! Bakit di nyo ako ginisingggggg??!!

OMG! May gf na ang anak ko. 5 years pa lang sya!!

Ayan. Legit OMG moments yan. Nagulat. O kaya disgusted. Pero napansin nyo ba, how so many say OMG kahit di naman disgusting o surprising ang mga pangyayari??!! Andami kong nababasang ganyan sa chat o sa twitter o sa FB. OMG!!

Maka-OMG lang.

OMG! Wednesday ngayon. (So?? Bukas Thursday bukas, OMG pa din?!)

OMG! Kumain ako ng fries with ketchup.

OMG! Kumakanta si Regine ng I Don't Wanna Miss A Thing habang inaalagaan ang baby nya.

OMG! May laman ang ref ngayon!

OMG! Wala akong load.

Umuulan. OMG!

Ang init! OMG!

Ang ganda ko ngayon. OMG!

OMG! Kumakahol ang aso!

OMG! Ang taba ko ngayon! (with selfie pic)

OMG! My Husband's Lover na! Ang cute ni Tom Rodriguez! #OMG

OMG! Siksikan sa LRT!

OMG! Ang luwang sa LRT ngayon! 

OMG! Naglunch ako ng burger, spag, pizza with halo-halo! 

OMG! Naiiyak ako.

Tawa ako ng tawa kagabi. OMG!

OMG! Papasok na ako sa school.

Uwian na! OMG!

.. At marami pang kung anik-anik na lines na basta lang maka-OMG. Aminin nyo yan.

OMG! Wala na akong maidugtong.

So there. OMG!

2 comments:

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages