Ang tagal kong di nag-blog.
Mga isang buwan din ata. Parang inagiw ang utak ko. Wala akong maisulat. This is a normal thing naman for many bloggers like me. We ran out of ideas to write at times.
Gusto ko sana magsulat na lang ng tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraan pero kahit yun, wala akong maisulat.
Ano nga ba naman ang maisusulat mo kung araw-araw, trabaho-bahay lang ang ginagawa ko? Wala naman sigurong magkakainteres kung isulat ko pa ang pagsakay ko sa bus at pagbagtas ng daan mula Rufino St. papuntang Malugay para sumakay muli ng bus sa aking pag-uwi.
Yes, napaka-boring ng buhay ko lately. Dala marahil ng full time kong pag-uwi sa Cavite araw-araw. Nung may bahay pa kasi kami sa Kalookan, pwede ako umuwi dun pag weekends and hang out with my friends.Since wala na ang bahay dun, no choice ako kundi umuwi na derecho sa Cavite.
Kung tutuusin, 30 minutes lang naman sana ang byahe via SLEX. Mas mabilis kung tutuusin kesa sa byahe ko pag nag-LRT pauwi dati sa Kalookan. Convenient, kasi ang bilis talaga. Kung may kalbaryo man sa pag-uwi ko sa Cavite, yun marahil ang maghintay sa mahabang pila ng shuttle papasok sa aming subdivision. Bwakaw kasi ang mga triciycle driver dun. Kung competitive sana ang fare nila, hindi hahaba ng bongga ang pila sa shuttle.
Stressed. Marahil. 2 weeks ago nga, sobrang sakit ng ulo ko. Parang binabarena!Well, may episode naman ako talaga ng 'sakit-ulo' weeks.Weeks, hindi days. But that particular moment, over OA ang sakit ng ulo ko. Kinailangan kong magpatingin sa doctor dahil di ko na kinaya ang sakit. Niresetahan nya ako ng mamahaling pain reliever. Mas ginusto ko sanang i-MRI. Ganun katindi ang sakit.
Di ko alam kung bakit ako na-stress. Kasi kung tutuusin, wala naman akong pinoproblema. Wala naman masyadong bulk of work sa office. Hanggang naisip ko, malamang ang kawalan ng social life ko ang iniisip ko.
Dahil nga sa uwian ako sa Cavite, madalas, pagkakain sa gabi, derecho na ako sa kwarto ko. Magbabasa, magke-candy crush, manonood ng movie (kung may na-download), hapyaw sa news, then tulog na. For almost a month, ganyan.
Im a social animal, I kind of miss the times when I can go out and have dinner with friends. Or hang out for some beer on weekends. Pero dahil lagi akong naghahabol sa linsyak na oras ng byahe ng bus at shuttle, ang mga bagay na yan ay mahirap ng gawin.
I felt the heaviness in my back. Kaya kagabi, I decided to pamper myself a bit and have a massage.
Massage. Parang antagal na nung huli akong nagpamasahe. At hinahanap na ng katawan ko.
Pumasok ako sa Banahaw Heals Spa kagabi. #freeplugging
Sa isang dimly-lit room, isa-isa kong tinanggal ang aking saplot at isinuot ang maluwang na kasuotang pang-ibaba na usually ibinibigay sa mga magpapamasahe. Dont worry, wholesome ang massage session na yun. Lolz.
Maya-maya ay pumasok na ang aking masahista. Medium lang ang pressure, sabi ko. I never liked a hard massage. Parang mas lalong nabubugbog ang yayat kong katawan. Chos.
Inililis nya ang aking underwear hanggang kalahati ng aking pwet. Jusme, anu kaya ang gagawin nya?!
Unti-unting gumapang ang kanyang mainit na kamay dahil sa oil sa aking likod. At dahil quota ang likod ko sa lamig, napadiin ang kanyang paghagod. Ouch! Masakit yun! 'Sobrang stressed ng katawan nyo sir, andaming lamig'. Ramdam ko ang mahinang tunog pag natutumbok nya ang lamig sa aking likod. Syet, andami nga. Mga trenta y dos. Chos.
Narealize ko, hinahanap na din ng katawan ako ang human touch. Yung may humahawak sa likod, sa kamay. Yung may kayakap. I guess, we all have a fair share of wanting to feel someone's warmth. Na-miss ko yun.
And this massage is just timely. I went out of the spa feeling more relaxed and rejuvenated. I even got myself a membership card. I want to do this regularly.
Im hoping to have some quality time with my friends. Yung kwentuhan lang, walang katapusang tawanan. I wish I can cuddle my baby or at least hold the hands or just share an intimate time together.
Well, I hope.
So there.
P.S. Tumutugtog ang 'Buko' habang isinusulat ko ang post na ito, At may bigla naman akong naalala. Ahhihihi.
And, I mentioned the word 'tutuusin' in this post at least 3 times. :)
And, I mentioned the word 'tutuusin' in this post at least 3 times. :)
No comments:
Post a Comment