Si Miss Minchin, Si Bank Girl at ang One Direction - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, October 3, 2012

Si Miss Minchin, Si Bank Girl at ang One Direction

Tuesday. Umaga. LRT.


Nagko-concentrate akong bumalanse sa pagtayo ko sa LRT ng ang isang babae na nakapwesto sa may kanan ko ay nagsalita. Itago na lang natin sya sa pangalang Miss Minchin.

 via

Miss Minchin: (kausap ang babaeng nakaupo sa harapan nya kahit di nya kilala) Ang lakas ng sound..(Sabay nguso sa babaeng naka-headseat na itatago naten sa codename na Bank Girl)

Napangiti ako sa comment ni Miss Minchin. Aburido talaga?! Affected? Hahaha

Miss Minchin: Tingnan mo, di nya marinig kasi ang lakas ng sound nya. Paulit-ulit naman nire-remind-Wag magpatugtog ng malakas.

Si Bank girl, mukhang nakaramdam na pinag-uusapan sya. Tumingin lang sya ng split second kay Miss Minchin.

Itong Miss Minchin, di na nakatiis.

Miss Minchin: Miss, ang lakas ng sound mo.

Inalis ni Bank girl ang headset.

Miss Minchin: Ang lakas ng sound mo—lahat kami dito dinig yung sound mo. Kaya ka nga may headset para ikaw lang ang makarinig. E di naman lahat naappreciate ang sounds mo. Yung iba gusto soft lang, yung iba rock. Pakihinaan naman.

Bank girl: Di ko po kasi ma-open ung bag ko, nasa loob ung phone ko.

Miss Minchin: E di patayin mo na lang!

Di ko kinaya ang last statement ni Miss Minchin. Hahahaha!

Napag-alaman ko na may lahi pala itong si Miss Minchin—may lahing pakialamera. Ahihihi!

Eto naman ang sound kaya OK na din saken:

Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it ain't hard to tell
You don't know
Oh oh
You don't know you're beautiful..

5 comments:

  1. taray ni ms. minchin..eh ok naman pala ang sounds eh..pangbagets hehe..

    ReplyDelete
  2. nakakatawa sya..hahaha demanding-pinapatay ung sounds ni bank girl..hahaha

    ReplyDelete
  3. Ako si Ms Minchin pag minsan. Pero ang kaibahan namin hinde ako nagsasabi verbally hehe. In fairness, gusto ko yung song ..

    ReplyDelete
  4. @littleyana, we all are Miss Minchin at some point. Totoo naman, some people who play music so loud can be irritating at times. Yung maiingay, sarap ng sigawan din e. Pero respeto lang din..Di naman naten pag-aari ang LRT. So let them be na lang :)

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages