Kagabi.
Matapos kong mag-grocery ay diretso na ako sa pila ng van papasok sa aming village. As usual, mahaba na naman ang pila, at madalang pa sa relief operations ng NFA rice ang dating ng van. Pero no choice. Mahal mag-tricycle. So wait na lang. Almost 7pm na at magluluto pa ako pag-uwi. Pagod pa. Hayst.
Ilang minuto pa ay mas lalo pang humaba ang pila sa likod ko. May papalapit na lalaki sa akin. Di ko alam kung nawawala ba sya. O kilala ba nya ako. O isa syang kawatan. May pagtatanong sa kanyang mukha.
Manong: Nauna ka ba sa akin?
Lumingon ako sa paligid. Ako ba ang tinatanong nya? Sa akin sya nakatingin. So ako nga ang tinatanong nya. Pati ang babaeng nasa harapan ko ay napatingin. Inginuso ni babae na may pila sa likod at dun sya pumwesto.
Gusto kong maasar sa tanong ni Manong: "Nauna ka ba sa akin?!"
Marahil sa pagod at sa paghihintay na din sa pila ay di ko natantya ang tanong nya. Nagdilim ang paningin ko at naramdaman kong nagkulay berde ang buo kong katawan. Walang sabi-sabi ay hinampas ko na lang sya ng dala kong payong, sabay sipa sa kanyang tagiliran.
Joke lang.
Manong: Nauna ka ba sa akin?
Ako: (sa isip lang) Seryoso?! Gusto mong sagutin ko ang stupid question mo?! Hello!! Nakita mo ng nasa pila ako at ikaw ay parating pa lang tapos, nauna ka pa saken? Row 4 ka ba?
Pero dahil ayaw ko ng patulan pa ang mga walang kakwenta-kwentang tanong na yan, deadma na lang ako. Siguro naman e alam naman nya ang sagot sa pang row four nyang tanong.
Manong naman, parating ka palang sa pila, ikaw pa ang nauna sa naka-pwesto?! Magic? May bertud? David Blaine lang?
Early at late di alam? Row 4 lang ang peg?
Pano pa kaya ang lesson sa early-earlier-earliest nung grade 3 sya?
KARUKAY!!!! Ang sakit mo sa kuko manong ha!
No comments:
Post a Comment