Ang Mga Dislikes Ko sa Facebook - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Thursday, October 18, 2012

Ang Mga Dislikes Ko sa Facebook

Facebook has become a way of life. I have to admit, isa ito sa di ko mabitawan. Ginagawa ko nga itong almusal, tulad ng karamihan sa atin. Ahihihi.

Sa dami ng mga Facebook users, kung anu-anung samu't sari ang mga nababasa natin sa ating timeline. May aliw, may nakaka-tats, may sweet, may mga nakakairita.

At tulad ng title ng entry na ito, ang mga sumusunod ay ang mga bagay na 'dislikes' ko sa Facebook.


Oo, pangungunahan ko na, maaring nagawa ko din ang ilan sa mga ito. Pero may mga ilan na bisyo na nila ang mga wall posts na ito.

1. Posting everyday routines.
' On my way to office' - at MRT North Ave
' Lunch time'
' Office na me!' - at Office
Kung yan naman talaga ang everyday na nangyayari sa buhay mo, I dont think kaylangan pang i-post. 'Lunch time' - ngayon ka lang ba naglunch? Syempre alas-dose na so magla-lunch na ang lahat! O kaya yung mag-check in ka pa sa LRT o MRT station dahil papunta ka na ng work--hello, everyday ka naman sumasakay diyan! Umpf! Kung di naman bago, wag ng ilagay. Di lang ikaw ang nagla-lunch o nag-e-LRT o baka naman perstaym? Ahahahaha

2.  Cam Whoring.
OK lang naman magpost paminsan-minsan ng solo pics mo. Yes, PAMINSAN_MINSAN lang dapat. Yung iba kasi, gandang-ganda o gwapong-gwapo sa mukha nila kaya EVERYDAY may solo pic. At 'day, iisang anggulo lang ito ha tapos mga 5 hanggang 10 shots! OK lang sana kung ang ganda talaga o ang gwapo talaga ng arrive mo, pero kung di naman masyado, wag naman araw-araw..hahahaha. 

3. Every hour rant or Everyday-same-sentiments.
' Ang tagal ng bus, 5 minutes na akong naghihintay!'
' Ang lagkit naman nitong katabi ko!'
' Anu ba naman tong kutsara ko, may kalawang'
' Yung pusa, ngiyaw ng ngiyaw, nakakairita! Tapos yung aso, tahol ng tahol!
Isang tao lang ang nagpost nyan ha. At lahat ng yan nai-post bago pa magtanghalian!
Meron ding ganito:
Everyday post- 'Tengeneng buhay to o! Lagi na lang ganito!'

Di ba ang lakas maka-bad vibes! Kung di ka na masaya sa buhay, dont infest our timelines with your rants. Sarap i-hide o i-block e! Hahaha. We all have our experience of bad days, and yes it's OK to express those on your wall-pero yung lagi-as in araw-araw-- NAKAKAIRITA basahin.

4.Show your wealth.
OK lang naman maging happy ka sa mga pinagpaguran mo-kaya ka nga nakabili ng designer bags or new gadgets or jewelries.
Ang dislike ko lang e yung nagso-showcase ng thousand pieces of their earnings. Yung nagpo-post pa ng picture ng pera nila na ginawang pamaypay. O kaya yung mga tipong parading their original perfumes na may caption pang: 'I cant live without' O kaya : My Bag Collection

Well, madalas kasi medyo hambog na ang dating. Cant live without perfume? Seriously? Nung bata sya wala naman sya nun pero umabot sya sa edad nya ngayon! hahaha Yes, nabuhay sya kahit wala si perfume!

At sa dami ng picpacs mo ng mga kayamanan mo, wish ko lang e di ka pag-interesan ng mga kawatan.

5. THANKS God It's Friday.
Aminin, madalas yan pag Biyernes. Pero magpapaka-grammar police lang muna ako diyan. THANK-not THANKS. Yun na.

6. Sharing all the pics you chance upon.
Mga share-addict. Lahat ng nakitang pics, shinare din! As in sunod-sunod ha! Dislike!
Ang rule of the thumb ko, kung bago-share. Pero kung nakita na marahil ng karamihan, dedma na. Malamang nakita na nila bago mo pa na-share.

7. Flooding invites.
Please like my page..or like my dog.. or like my picture..blah, blah,blah..

May kilala akong ganyan, araw-araw na lang may pino-promote. At ilalagay pa sa wall mo mismo ha, na para bang di mo nababasa yung wall post nya. At ang same post na yan ay maka-ilang ulit pang naka-post na para bang bulag ka para di makita yun.

Yes dear, ayos lang naman humingi ng suporta sa pagpapa-like, pero wag naman every minute-every day same invites. Gusto din namin mabasa yung ibang posts ng friends ko pero natatabunan sa dami ng same invite posts mo. Flood kung flood! Ondoy lang ang peg?!

8. Face it- not Facebook it!
Nakuha ko yan sa friend kong si Dani. 
Eto yung tipong:
' Oi babaeng haliparot na makati pa sa higad na mukhang madjongera, ako ang kausapin mo at wag kang parinig ng parinig!
O kaya:
' Konti na lang bi-bingo ka na saken. May mga tao talagang halang ang bituka!

Tapos pag nag-comment ka at tinanong kung sino ang kaaway, sasagutin ka ng: Ayaw ko na lang sabihin kung sino sya dahil kilala na nya kung sino sya!

Bad trip yun! Ang tapang pero ayaw pangalanan?! Maglalabas ka na lang ng galit, siguraduhin mo na din na makakarating sa kanya ang galit mo. If you cant tell it directly to their face, keep it to yourself. The fact na pinost mo yan, it's telling all your friends na gusto mong iparating sa buong mundo ang galit mo. At syempre, para yang scoop na may mga taong maiintriga at magtatanong sayo. Kung gusto mo palang i-secret ang identity nya, sa diary ka magsulat Pakk!

9. 'Sinong OL, chat tayo'
Ang sakit sa braincells mabasa ito. Sa lower right side ng page, makikita mo na kung sino ang online di ba? Kaylangan pang mag-invite? Artista?! Nasa ABSCBN Interactive? hahahaha

At kung maka-invite ha, parang pagkakaguluhan ka dahil online ka. Hahaha. The fact na ikaw ay online, then free kang maka-chat. Do not state the obvious.

10. Promote the place, not your face.
Album title: Boracay. Pero ang laman ng album na may 326 pics ay mga solo pics mo sa eroplano, sa airport, sa room mo at mga ulap.

Yes, di ko napansin ang Boracay dahil puro mukha mo ang nakabalandra. Hahaha. Dapat ang title ng album mo ay: Me, myself and I. 

Mas magandang makita ang lugar para ma-promote na din. Ok lang mag-solo pics, pero wag naman paulit-ulit.  

***
Ito naman ay opinion ko lamang ano..Ahihihi



10 comments:

  1. hahaha kaaliw ang post mo..agree much ako dito.. halos lahat ng nabanggit eh may ganyan akong fb friend haha..

    ReplyDelete
  2. ahihihi.. andaming ganyan.sana mabasa nila at ma-realize..lolz

    ReplyDelete
  3. As usual, you nailed it :D hahaha!

    ReplyDelete
  4. How true! ganyan din ang pakiramdam ko sa Facebook. Minsan sa sawa ko sa ilang tao na "friends" ko sa FB, hinde ako nagpunta sa site ng 2 weeks! This is a good write up. Nice post..

    ReplyDelete
  5. Spot on!

    Yung number 2 ang nakakaloka! Trend nga ang magquote something about beauty or something entirely unrelated tapos sandamakmak na pictures niya ang ipopost! Good gad, the world has had enough of that person's face! Plus, the misused quotes! Siyempre, grabe lang himutok ko. HAHAHA.

    ReplyDelete
  6. Apa, dahleen' , i couldnt agree more..hahaha saken nga, as i checked this morning, may newly uploaded pics na naman 'sya'. hahahaha.. the last time she posted was last night. :))

    Sa dami ng mga dislikes ko, im thinking of doing a PART 2 of this entry.ahihihi. You think i should change my account name to Bough's Rants instead? O ayaw ni sunsetrant? lolz

    ReplyDelete
  7. nakakaaliw naman ang post mo na ito. nakakawala ng stress magbasa ng blog mo tuloy :)

    ReplyDelete
  8. @ edlin..glad you enjoyed reading my entry.. hihihi thank for visiting :)

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages