Swimming 101 - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Tuesday, April 8, 2008

Swimming 101


Dahil mainit..jump na sa water!

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pangyayari kapag nagswimming ka sa mga resort dito:

1. Marami pa rin ang magbabasaan kahit pare-pareho na kayong nakalublob sa tubig. Balloon: What difference will that make?Basa ka na nga no?!

2. Di lang sa slide ng pool pede magpadulas..Pede din sa hagdan habang pababa o paakyat(excited kasi..)

3. Maghihiyawan at magsisigawan ang mga kaibigan ant pamilya mo na mistulang mga fans mo habang pababa ka ng slide..Balloon:Di ko rin alam kung bakit pero mistulang celebrity ang lahat ng nagiislide habang hinihintay na bumagsak ka sa pool..Pag nanay o tatay o lolo ka pa, mas malakas ang sigawan..

4. Kailangang makalunok ka ng tubig ng pool.Kahit anong galing mo sa paglangoy o kahit anong ingat ang gawin mo,makakalunok ka pa rin ng tubig.Parte na yun ng paglulunoy sa tubig.

5. Kakatihin ang mga paa nyo na maghabulan pag nasa pool.

6. Iihi ng palihim ang katabi mo sa pool habang nakatambay kayo sa lilim..Sasabihin nya lang na nakaihi na sya matapos mong sumisid at magfloating..

7. OK lang kung nakalimutan mong magdala ng sabon at shampoo..maraming natitira sa shower room..

8. Laging puno ang mga shower room pag oras na ng banlawan..Asahan ang ilan na sa mga lababo na lang magbabanlaw.

9. Madalas na gugutumin ka pag nagswimming..Anumang makita mo ay haharbatin mo,maitawid lang ang gutom..Ang singkamas ay maaaring ulamin sa kanin..kahit ulo ng bangus ay sisimutin mo..ang palaman ng katabing cottage ay sisimpehan mo na din..



10. Always wear proper attire when swimming..no maong and puruntong shorts for boys- pero Ok lang ang jogging pants..bawal din ang naka-shirt o sando sa mga boys- pero pede kung may tahi ka sa katawan dahil sa naoperahan ka sa appendix.

Enjoy the summer everyone!

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages