taranta! - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Thursday, April 24, 2008

taranta!


our company went to bangkok last apr17-20..it was fun..sobrang saya sana had i been with them..yes- hindi ako kasama!=( 3 of us were left.2 of us were still in probationary status so we were not able to enjoy the privilege.the other one opted not to join.)

dahil nga 3 lang kaming naiwan and from different departments pa ( kaya di din kami literal na nagkita sa loob ng office), expect that the whole office was as quiet as the library. it was so quiet that my voice literally echoed when i made calls!

ok din na konti lang kaming naiwan..di masyadong pressure sa work for 2 days..since ala ang mga boss!=) parang bakasyon na din kahit paano! yun nga lang i was left to answer all the phones ringing!

nataranta ako not knowing which handset to answer!sa sobrang daming nagriring( katabi kasi namin ang marketing dept kaya pati yun sinasagot ko), ala ng ring bago ko pa naangat ang phone!


i was watching Umagang KayGanda yesterday. they were featuring the Mango Festival of Iba, Zambales..natawa ako..another fiesta! (read my entry Ansakit sa Ulo last Feb)

Ok naman ang mangga- national fruit pa nga naten yan.and Zambales is very much known for their mangoes. Mas mura daw dun..may 2o per kilo gang mga 40-50 pesos..sarap! of course,part of their festivity is the street dancing.at syempre the dancers were in their mango inspired costumes!( lagkit siguro nun!)..may mango food fest din,may mango carving..di lang sa ice at kahoy pede mag carve-pede din sa mangga! at kung anu-ano pang gimik!

dahil sa makabagong teknolohiya ng pagko-cross breed,they were able to produce diffrent mango variety. kung dati may indian mango,ang bagong indian mango ay may putok na!ngayon may american mango na-may stars at blue and red stripes ang balat;meron ding Turkey mango- may feathers naman ang tangkay!

ang manggang kalabaw- may sungay na..at ang latest makakapagproduce na din sila ng manggang kalabaw na may buntot..di na ako magtataka kung magkaroon na rin ng manggang unggoy o manggang kabayo! ang manggang hilaw,inexperiment with hipon-ending-manggang hilaw with bagoong sa loob!

hay..asahan ang marami pang fiesta ngayong May.dati flower festival lang pag ganitong buwan..for sure marami ng matataranta sa paghahanda sa mga darating na fiesta.dati May din ang fiesta samen pero ngayon January na. Asahan ang sisig at tocino festival sa Pampanga,ang buko pie festival sa Laguna,ang macapuno at ube festival ng Bulacan,ang bagoong festival ng Pangasinan,ang balisong festival ng Batangas,ang danggit festival ng Cebu,ang scooter at motorbike festival ng Kalookan at ang aratiles festival ng mga sementeryo!

hinding-hindi tayo mauubusan ng fiesta!pero mas matataranta ako pag nagkaroon na rin ng cheeseburger festival!kahit ano na lang talaga.. =)

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages