#Muntanga

Muntanga. Short for mukhang tanga. lolz

Well, we may all have our share of #muntanga moments. Sa Facebook, madami akong napapansing ganyan.

Babala: Ang tamaan, wag magalit.

Sampol 1:

Chever: " Sana paggising ko, wala na ang problema."

May nagcomment:
Kempar: Anung problema mo, chever?
Chever: Wala naman.

#Muntanga di ba? Nung tinanong kung ano problema, wala naman pala. Asus.

Sampol 2:

Chenelyn: " Konti na lang, talagang makikilala mo kung sino ang tunay na ako. Punong-puno na ako sa'yo. Wag mong hintayin na maloka ako ng tuluyan sa'yo dahil di mo magugustuhan ang magagawa ko sa'yo pag nagkataon! "

May nagcomment:
Chever: Sino kaaway mo, Chenelyn?
Chenelyn: Wala te..

#Muntanga lang din no? Nung tinanong kung sino kaaway, wala naman pala! Adik lang?!

Sampol 3:

Gandara: Off to Batangas. We're driving alone. :(

#Muntanga.. 'We' pero alone???!! Paki-explain.

Eto ang di ko maintindihan:

Mirlat: #Waiting for my friends#

Hashtag sa dulo ng word? Anu yan, taghash? Binaligtad, ganyan? lol



Ikaw, anu ang mga #muntanga moments na nakikita mo sa FB? :P

**
Let's connect.


About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment