AnsAkIt sA uLo!

I was on my way to the office yesterday ng salubungin ako ng barena ng maynilad.ang sakit sa ulo!gusto kong hiyawan yung lalaki na mukhang nasanay na sa ingay ng ginagawa nya pero pano naman ang mga sirang linya ng tubig na inaayos nya? may tatlong linggo na din ata yung inaayos nilang yun pero medyo OA na yung ingay kahapon dahil sa tapat na ng building namen yung ginagawa nila.

pauwi naman ako ng isang sigang taxi driver naman ang ikinasakit ng ulo ko.i dont usually mind drivers honking their horns especially when its traffic..after all,manila is not manila without traffic!but this cab driver is honking like there's no tomorrow!it was a tiring day in the office and to hear a honk that loud is just too much to take..and mind you,its not even traffic..its a red light and pedestrians are merely crossing the street..sumakit talaga ang ulo ko at gusto ko syang sigawan ng : "Lumipad ka kung nagmamadali ka!"

umagang-umaga kanina,dinig na dinig ko ang "bibig" ng kapitbahay ko.they have been our neighbors for more than ten years now and never a single day na hindi sya nagalit sa asawa at anak nya!i know i dont have to deal with their family issues but i cant help it because i hear them everyday!ansakit sa ulo when you start the morning this way.i can say its more excruciating for the husband and kid hearing the mom's blah!naisip ko tuloy, madalas kayang talakitok ang ulam nila kaya madalas tumalak ang nanay?hahaha!

it's my habit to watch abs-cbn's morning show before going to work. napanood ko kanina na may corn festival ngayon sa sto. tomas, pangasinan..minsan gusto ng sumakit ng ulo ko sa dami ng fiesta sa Pinas! dinagyang,sinulog,penagbenga...di ba nga ang Siquijor may aswang festival na?pati mga manananggal at tikbalang binigyan na ng fiesta!ansakit sa ulo!hahaha!

meron ding talong festival,sibuyas,kamatis at saka meron pa labanos, mustasa...in addition to the growing festivities in our country-the corn festival in sto. tomas, pangasinan!

part of their activities is the corn cookfest-may arroz valenciana na gumamit ng mais instead of the usual malagkit(?) o bigas(?),there's this dip made of corn,corn flakes na may cornstarch..mais con yelo na may corn!ansakit sa ulo! nag-ihaw din sila ng mais at balak din yatang isali for the record of longest line of corn na inihaw!

kung tutuusin masaya nga kung linggo-linggo may fiesta!anywhere you go at any season laging may event na inoorganize ang bawat sulok ng siyudad at munisipalidad sa Pinas. e paano ba naman, ipinasa na sa Kongerso na bawat kanto sa Pilipinas ay dapat may fiesta!naisip ko lang habang ang Japan, China at Singapore are busy discovering new breakthroughs in technologies and uplifting the standards of their education,our country is busy organizing fiestas and making world record for the longest longganisa,the biggest shoe and the most number of couples who will kiss on a Valentine! ansakit sa ulo di ba?

madalas na ding sumasakit ang ulo ko dahil everyday na akong nakaharap sa monitor ng pc.syempre hindi naman pwede na nakatalikod ako habang nagtatype di ba?o kaya nakapikit while checking the resumes of my candidates..on the positive note,ok na rin kung sumasakit ang ulo ko..because this means that i have a work to do..andami na ring walang trabaho at mas masakit siguro sa ulo ang pangyayaring iyon!

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment