Love and Chances (Part One) - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Thursday, May 9, 2013

Love and Chances (Part One)


Madalas kapag nagtitext sya, di ako nagrereply.
Madalas kapag tumatawag sya, di ako sumasagot.

Ewan ko ba. Lagi ko naman sinasabi ni di ko talaga nakagawiang mag text o tumawag. Kahit nga sa pamilya ko, I hardly ask them how they are. Nakabukod na kasi ako sa kanila. So, sanay na ako na di ko sila nakakausap ng madalas. Wala akong pakiramdam. Ganyan ko ilarawan ang sarili ko. Yan ang paniniwala ko.

Pero tumatawa naman ako. Nalulungkot. Naiiyak-minsan. Kinikilig din siguro.

Ako si Kian, 25, Manila  :)

Isang Sabado.Miting ng org namin. Aktibo ako sa isang grupo para sa mga kabataan. Napansin kong wala ang maingay na si Miel. Dedma lang ako. Pero sa likod ng utak ko, iniisip ko kung bakit wala sya. Madalas nagsasabi naman sya sa akin kung di sya makakarating.

' Nakita ko si Miel sa St. Luke's kanina. Palabas na ng ospital. Sabi pa nga nya, wala daw akong nakita kunwari.' Kwento ni Rez, kasamahan namin si grupo.

Nagulat na lang kami. Naospital si Miel? Kaya pala wala sya ngayon.

' Pinacheck up kasi namin si tita doon. Nakasabay namin sya sa lobby. Mukhang na-confine kasi naka-wheelchair nung palabas e. Di ko na nga nakausap kasi mukhang di pa sya ok. Basta sabi nya, wag ko daw sabihin na nakita ko sya. Ayan, nasabi ko na. Hahaha!'

Pagtapos ng miting, nagtext ako sa kanya. Kinamusta ko. Alam ko wala akong pakiramdam, pero concern pa din ako kay Miel. 

Gabi na ng nagreply sa text ko si Miel.

'OK naman ako.' Sagot nya.

'Naospital ka daw?'

'Sumakit lang ulo ko. Pinatingin ko. OK na ako.'

'Sabi naka-wheelchair ka daw ng lumabas. Na-confine ka ba?'

'Tinamad lang ako maglakad, kaya nagpakuha ako ng wheelchair. Libre naman yun e. Hahaha.'

Palabiro talaga si Miel. Lahat ng bagay gusto nya masaya. Kahit sa ganitong oras, nakukuha pa nyang tumawa.

'Bakit di mo sinabi sa akin?'

'Ang alin?'

'Na nasa ospital ka?'

'OK nga lang ako. wala lang 'to. Saka alam ko busy ka. Di ba sabi mo madami kang gagawin. Saka OK na nga. Pramis!'

'Na-confine ka ba? Anong sakit mo?'

'Hahaha! Wala nga lang 'to. OA lang ang kuya ko, pina-confine pa ako. 3 days, pahinga na din. Bayad naman ng health card ko. Masakit lang ulo ko talaga. Paracetamol lang katapat nito.'

'Bakit nga di mo sinabi saken? Naospital ka na, wala man lang akong alam.'

'Ayaw nga kitang istorbohin. Saka alam ko naman di ka magrereply. Hahaha. Mapapahiya lang ako pag sinabi ko pa sayo. Seryoso..im super ok. Babalik na nga ako sa work on Tuesday. Dami ko ng pending work.'

'Wag mo ng uulitin 'to ha.'

'Ang alin? Ang maospital? Oo naman. Di ko gusto ang amoy ng bedsheet dun. Hihihi.'

'Wag mo ng uulitin na di mo ako sinasabihan lalo na pag ganito ang sitwasyon mo.'

***

Saka alam ko naman di ka magrereply.  Mga salitang paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Tama. Ang dami nyang text at tawag na di ko sinasagot. Madalas sinasadya kong di sagutin. Ewan ko. Di ko alam kung ayaw ko lang din i-reciprocate yung sinasabi nya. 

Di ko alam kung gusto ko lang pangatawanan yung wala akong pakiramdam.

Di ko alam kung gusto ko lang iparamdam sa kanya na mahirap saken yung ganito. Yung alam kong may nagki-care saken. Yung tinuturing akong espesyal.

Di ko alam kung ready na ako dun. Ang weird 'no? Basta..

(May kadugtong)


3 comments:

  1. parang kilala ko kung sino si Kian :D

    ReplyDelete
  2. Cute! MMK presents Text Message :) joke kuya! :)

    ReplyDelete
  3. Parang kilala ko rin tong mga to. :)

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages