Para sa pagpapatuloy ng aking byaheng SG..Click here para sa part 1.
March 17, 2012 7am
Alas- siete ang wake up call namin para mag-prepare sa Universal Studios at Sentosa Tour. 7am na pero madilim pa sa labas ( Maliwanag pa ang 7PM sa kanila--parang 5pm lang). Naligo, nagbihis at nagbreakfast na kami. Bongga ang siomai na naka-serve sa Oxford Hotel! Panalo!
9am ng dumating na ang bus ang aming tour guide na si Miss Noreen. Binagtas namin ang daan papuntang Universal Studios.. At dahil 10am pa magbubukas ang USS--picpac muna!
Mahaba na ang pila bago pa man mag- 10am. Kaya nung nag-open na ang gate--enter the dragon na kami agad!
Peborit ko ang Revenge of the Mummy The Ride at Transformers The Ride!
Nataranta din ako sa Fiesta-Ng- San Juan peg dahil sa soak kung soak na ganap ng Madagascar at Water World!
galing dito ang picpac..nakalimutan kong picturan kasi.. :))
Pinasok din namin ang Treasures Hunter (pwede ng palampasin ito), Canopy Flyer, Lights Camera Action at Shrek 4D. Kinabahan kami kaya di na namin nasakyan ang Galactica. :((
Pagsapit ng hapon, akyat naman kami sa Sentosa!
Sinapian ata ako sa Images of Singapore! :))
Bet na bet ko ang LUGE! I super enjoyed! Sadly, wala akong picpac dahil lahat kami ay sumakay at walang kukuha ng picture for us. :(
picture from here
Itinuloy na namin ang LULAAN portion sa Tiger Sky Tower!
Drop by din kami saglit sa Siloso Beach at nanood ng Songs of the Sea nung gabi! Peborit ko din to. Pasabog talaga!
Paguran portion ang 2nd day ko sa SG. Pero super saya! Halos bumigay ang binti ko sa pagod kaya plakda ako pagdating ng hotel.
Last day namin nung Linggo, March 18. Sugod kami sa Bugis para mamili ng pasalubong. Winnur sa Bugis, para lang Divisoria, mura lang din!
Rampa din ako sa Orchard, to have lunch with my friends Cris and Karen--at para makibalita na din sa mga colored friends ko..hihihihi
Marami pa sanang pwedeng mapuntahan pero because of the limited time, dedma na. :))
I had fun at SG. Mainit nga lang so light clothes are recommended. Bring payong if you must.
I hope to be back. Sana.
Ganda dyan teh!
ReplyDelete