Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay. Natatawa pa din ako tuwing naaalala ko ito. Major class ko noon. Social Psychology. Ang prof ko, itago na lang natin sa codename na Mrs. Marian-bilang psychology din siya (si Marian Rivera).
Mahusay na prof si Mrs. Marian, impeyrness. Siya din ang prof sa unang major ko- Developmental Psychology. Kabisado nya ang libro. Kagila-gilalas! Maari mong sabihin na may mastery sya ng itinuturo nya. Minsan ay nagmimistulang nag-a- REM (rapid eye movement) ang mata nya dahil sa taas lagi sya nakatingin habang nagtuturo. Pag naman bumuka na ang bibig nya, ay maaanigan ang pulang lipstick sa kanyang mga ngipin. No, hindi sya clown. At di ko din sure kung lipstick ang dessert nya noong lunch.
Eto na nga. Balikan natin ang SocPsy class ko.
Mrs. Marian: OK class, I told you we have a quiz today so get 1/4 sheet of paper.
Ako: (balloon) Patay! Absent ako last meeting..setlog ako neto malamang.
Oo, ako ang tipo ng estudyante na di madalas magreview. Madalas ay stock knowledge lang ang inaasahan ko. Basta nakinig ako sa prof with matching jot down notes and some clarifications pag nalalabuan- gets ko na ang lesson. Syempre, minsan may I browse din ako sa book at notes pag nalabuan ako talaga sa lesson. Oo, ako na! :)
E eto nga ako. Wala akong idea sa iki-quiz ni Mrs. Marian. Umasa ako na lang ako na sana magkatotoo ang sinasabi ng horoscope ko noon na maswerteng araw iyon. Maswerte pa din kahit mabobokya ako sa quiz??!! Linsyak!
Number 1. Binigay na ni Mrs. Marian ang tanong. Taragis. Number 1 pa lang, di ko na alam ang sagot. Number 2..3..4..5..Wala akong alam talaga.Syet!
At bilang ayaw kong maging malinis ang papel ko dahil wala akong alam na isasagot sa mga tanong nya, kung anu-anong walang kakonek-konek na sagot ang nilagay ko sa aking papel. Kung bakit ba naman kasi di uso ang True or False sa college. At least, pwede kang manghula dun. Malas ata talaga.
Subsob ang mukha ko sa cover ng aking papel- na akala mo naman ay may isinasagot akong matino sa quiz na ito- ng biglang may lumipad na notebook sa row namin! Zooooommmm!!! Muntik ng mahagip ang kaklase kong babae sa dulo ng row!
Nagulat ako..kaming magkakaklase! Zoooooommmm!!! It's a plane! It's a bird! It's Superman! No! It's Mrs. Marian's notebook!
Di ako pwedeng magkamali. Pag-aari nga ito ni ma'am. Ang notebook na sinubok na ng panahon. Alam kong ilang dekada na ang tanda nito- nasaksihan na ng notebook na ito ang mga kudeta noong panahon ng rehimeng Aquino, ang panunumpa ni FVR at ang impeachment ni Estrada--ganon na ito kaluma kaya alam kong kay Mrs. Marian yaon.
Maya-maya ay bumula na ang bibig ni ma'am. Galit na galit.
Mrs. Marian: You chuva (kaklase ko)! CHEATING!
Hindi alam ni chuva kung ano ang gagawin. Napakamot sya ng ulo. Pinulot nya ang lumipad na notebook na muntik ng mabasag sa sobrang kalumaan ng mga pahina, at di nya sigurado kung iaabot kay Mrs. Marian- marahil sa takot na muli nyang paliparin ang mahiwagang notebook at di na palampasin ang kanyang fez!
Scared kami lahat! Gulat! Nabigla!
Mrs. Marian: That's why we have a lot of corrupt people in the government because of people like you! And you have the temerity to smile?! May I have your ID!! May I have your ID!!! Sa inyo na yang mga papel nyo! Wala ng quiz! (Sabay walk-out.)
At muling nag-flashback sa akin. Horoscope: Lucky day today!
Yehey!!!! Di ako setlog sa quiz. Akalain mo nga naman. 'wink'
No comments:
Post a Comment