Super bilis ng panahon. Parang kahapon lang, we were busy preparing for 2011.Ngayon, sobrang bilis lang na dumaan ang 2011..Isang araw na lang, goodbye 2011 at hello 2012 na tayo!
Andami na ngang nangyari saken ngayong 2011. Maaksyon, madrama, masaya, maligalig! Wapak na wapak!
Ngayong taon ako nakalipat sa aking new house sa Cavite. Finally, the long wait is over! Di ko na din alam kung paano ko nairaos ang mga unang naging bayarin para sa kabahayan-ang alam ko lang-napakabuti ni Lord sa akin at ang lahat ng ito ay itinataas ko sa Kanya. Salamat Lord!
Bongga din ang mga naging bakasyon ko ngayong taon! Medyo masakit sa bulsa pero ang happiness na naramdaman ko sa mga lugar na iyon ay di kayang tumbasan ng anumang gastos! Pak!
Nagpista ang mga mata ko sa ganda ng El Nido Palawan. I was once again home in Manaoag, Pangasinan at may side trip pa yan sa Baguio. Nagretreat ako sa Tagaytay at muling pumasyal sa Caleruega. Di din kami nawala sa Pahiyas Festival. At matapos ang 11 taon ay muli akong bumalik sa Marinduque for the Moriones Festival--at para hanapin na din ang isang dating pag-ibig..ahihihi..At syempre, isang bakasyon engrande din ang naranasan ko sa Antulang Beach sa Dumaguete. Nag-yate kami papunta sa Apo Island at sa Tambobo Bay. Panalo!
Napansin ko, wala akong bagong nabiling gadget for the year. I was dying to have an Ipad2 or a Samsung Galaxy Tab sana..or a BB unit at least pero wala. Akala ko wala akong nabiling bagong pair ng shoes..pero impeyr, may 5 pares naman pala!Madalas halos sakto lang ang pera ko sa wallet. Di naman gipit pero ramdam ko na kinaylangan kong magtipid. Inisip ko, bat kaya nagka-ganun? Hanggang na-realize ko, much of the money I earned went to the new house. Di na din masama kasi nakabili ako ng living room showcase, bed at dining table! At nag-carding din ako ng new ref. Bago ang mga plato, pinggan, baso, kutsilyo at kung anu-ano pa! Di na masama. Sana sa pagpasok ng 2012, makapagpa-bakod na din ako at kung papalarin, makabili ng sariling sasakyan. Lord, please... :))
At bilang malapit na ang 2012, eto daw ang ilang mga tips para sa isang pasabog na pagsalubong!
Magkalat ng barya sa bahay. Maglagay din ng barya sa mga bulsa pagsapit ng 12mn ng January 1 para buong taon kang may pera. At dahil ayaw ko ng barya-barya lang, bills ang ilalagay ko sa wallet at bulsa ko!
O bawal daw ang manok sa media noche dahil baka buong taon kang tumilaok!
Para wag malasin, wag mong isali sa handa ang bilog na prutas na may itim na buto tulad ng pakwan at chico.
Wag ka din maghanda ng ice cream para di matunaw ang swerte.
Wag din daw maghanda ng may apat na paa- baboy, baka, kambing-at baka tumakbo ang swerte.
Wag din ang isda o iba pang mga seafoods- baka malunod ang swerte.
Better, wag ka ng maghanda sa dami ng bawal!
Sabi nila, pampaswerte daw ang mga bilog na prutas-at dapat labindalawa para pasiklab! Ginawa namin yan--kasama ng milyong-milyong pamilya na naniwala dito. Kung totoo ngang swerte yan, lahat sana ng pamilya sa Pinas ay di na naghihirap..hehehe
Oh well, tumalon din ako nung bata ako sa pagsapit ng 12mn- pampatangkad daw. Ewan ko kung maniniwala kayo diyan. Di naman ako masyadong tumangkad..hahaha
Basta ang alam ko, isang positive outlook, samahan ng dobleng sipag, pagtitipid at pananalangin ang magbibigay swerte sa ating lahat sa pagpasok ng 2012.
A Prosperous 2012 to all of us! I love you all!
No comments:
Post a Comment