Dear Charo presents My Tru Lab (Ikalawang Bahagi) - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Monday, March 21, 2011

Dear Charo presents My Tru Lab (Ikalawang Bahagi)

Heto na ang pagpapatuloy na ating kwento.. (Pindutin dito sakaling di mo nabasa ang unang bahagi)

Umakyat na kami ng bus Ate Charo. Ilang sandali pa'y umandar na ang bus. Madaling araw noon kaya't minabuti ko na munang matulog. Si MTL din ay natulog na muna sa kanyang pwesto.

Ginising ako ng isang mahinang yugyog-si MTL. Nag-stop over pala ang bus para sa mga gustong bumili ng pagkain o gumamit ng CR. Inabutan ako ng empanada ni MTL. Ang sweet nya Ate Charo. Nabulunan ako sa empanada kaya humingi ako ng tubig sa kanya. Wala. Napilitan akong bumaba para bumili. Ang sweet nya, sinamahan pa nya ako. Para akong baldado na kaylangang alalayan lagi.

Bumalik kami ng bus. Muling umidlip. Ilang oras pa'y dumating na kami sa pier. Maraming tao. Maingay. Magulo.Tinulungan akong buhatin ni MTL ang aking mga gamit. Talagang sweet sya Ate Charo. May itsura na at maaalalahanin pa.

Ilang oras pa'y sumapit na kami sa Marinduque. Bumyahe na kami patungong Boac. Nadaanan namin ang bayan ng Mogpog. Sa mga sandaling yaon ay naalala ko si RZ, Ate Charo. Siya ang dahilan kaya ako bumalik ng Marinduque. Nalito ako Ate Charo.. Tama, nakakalito. Paano na si RZ? Pinangako kong babalikan ko sya. Ngunit paano din si MTL? Sa mga sandaling oras na nagkasama kami ay tiyak ko ng iba na  ang pagtingin ko sa kanya! Ang pagkakadikit ng aming mga bisig sa dyip ay nagbibigay ng mahinang init sa aking katawan. Gusto kong mayakap ang kanyang dibdib Ate Charo.

Inalis ko na muna sa isip ko si RZ, Ate Charo. Bahala na.. Kakausapin ko na lng sya pagdating ko doon. Tutal, ala pa din namang opisyal sa amin ni MTL.

Pagdating ko sa bahay ng mga tita ko, ay iniwan ko lamang saglit ang aking mga gamit upang tumuloy naman kina MTL. Dinantnan namin sa kanila ang kanyang lola na nagulat sa kanyang biglang pagdating. Ipinakilala nya ako bilang bagong kaybigan. Matapos makapahinga, nagpahatid na akong muli sa bahay ng tita ko. Nagsabi syang susunduin nya ako sa gabi at nag-imbitang dun na ako magpalipas ng magdamag sa kanila. Isang makahulugang ngiti ang isinagot ko sa kanya.

Kinagabihan nga ay dumating ng muli si MTL. Ipinaalam nya ako sa amin na doon na muna ako matutulog sa kanila. Pumayag naman ang aking tita. Pagdating sa kanila ay nadatnan ko ang kanyang nanay. Nagulat ito dahil bagong mukha ako sa kanya. Mabuti na lamang at magkakilala ang tito ko at nanay nya kaya, malugod naman akong pinatuloy sa kanila. Pinaghain ako ni MTL ng hapunan. Ang sweet nya talaga Ate Charo. Pagkatapos noon ay inayos na nya ang aking kwartong tutulugan- isang guest room sa baba ng kanilang bahay. Sa isip-isip ko'y sana kasama ko syang matulog doon, ngunit may kwarto sya sa taas. Baka mag-isip din ng masama ang nanay nya kung magsama kami sa kwarto.

Wala pang isang oras ay bumaba ng kanyang kwarto si MTL. Tumabi sya sa akin Ate Charo. Nagulat na naman ako! Kumabog ang aking dibdib. Wala naman sanang masamang balak sa aking taong tao ito. Inisip ko na lang na sana di sila angkan ng mga asawang at di nila ako iaalay sa kanilang Apo. (Shake, Rattle and Roll ba ito?!)

Walang suot na pang-itaas si MTL, Ate Charo. Maganda ang kanyang pangangatawan. Naisip kong pagkakataon ko na ito na mayakap sya. Huwag naman sanang maghati ang kanyang katawan o lumabas ang kanyang mga pangil at sagpangin ako.. (Cue PSYCHO here)

Tumabi sya sa akin. Mabango sya. Amoy 'Safeguard Green' sya Ate Charo. Medyo nailang ako. Paano ba naman ay unang gabi pa lang ay heto't pinasok na ako sa kwarto ko.

Ako: O bakit nandito ka? Di ba sa itaas ang kwarto mo? Saka baka magising ang nanay mo..

MTL: Tulog na yun..Di naman nya alam na bumaba ako e.. Saka, bakit, ayaw mo ba akong makatabi?

Ako: (Eto na talaga ito Ate Charo!)Eh.. eh..gusto syempre! Gustong-gusto!

Hudyat yun para ilapit nya ang kanyang katawan sa akin. Sinimsim ko ang kanyang amoy. Ang bango nya talaga Ate Charo- amoy Safeguard green! Niyakap ko sya. Mainit. Inilapit nya ang kanyang mga labi sa aking makipot na labi. Hinalikan nya ako..Totoo na ito Ate Charo.. 

Maliwanag ang buwan at ang liwanag na tumatagos sa bintana ay nagsilbing piping saksi sa aming ginawa..


Saan hahantong ang kwentong ito? Magigising ba ang nanay ni MTL at matatagpuan ang dalawa sa kwarto? Ano ang ginawa nila sa kwarto?Gumawa ng ilustrasyon gamit ang mga palito ng posporo.

Gumagamit din kaya ng Safeguard White si MTL? Bakit green? Bakit di White o Tawas-fresh?Iexplain gamit ang bar graph.

Sundan ang pagpapatuloy ng kwentong pag-ibig na ito..

(Cue Maalaala Mo Kaya here)

6 comments:

  1. Winner!!! Love the twist of the story..can't wait to see RZ in the next episode..

    Anung meron sa safeguard green???haha

    ReplyDelete
  2. alamin ang kaugnayan ng sabon sa tagpong iyan..lolz

    ReplyDelete
  3. Kaw na talaga ang "Dyosa ng Kagandahan". Nawa'y masundan agad ng kasunod ang iyong kakiligkilig na Love Story. Meron lang akong gustong itanong, anong meron sa sabon na Safeguard Green??

    ReplyDelete
  4. @ yc_myla hahaha..will try to post the next part soon. =))

    ang safeguard green ay nagdulot ng bagong samyo sa ating bida..

    ReplyDelete
  5. at dapat talaga bargraph pa. juice ko pahirapan pa daw ako. :)

    ReplyDelete
  6. @ Miss Teng..hahaha..oo para may challenge.. =))

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages