Dear Charo presents My Tru Lab (Unang Bahagi) - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, March 16, 2011

Dear Charo presents My Tru Lab (Unang Bahagi)

Dear Charo,

Enero ng taong 2000 ng lumuwas ako ng Marinduque para sa kasal ng pinsan ko. Tatlong linggo din akong nanatili doon para na din makapag-bakasyon. Sa ilang araw na iyon, nakilala ko ang taong magpapatibok ng aking puso. Itago na lang natin sya sa initials na RZ. Masaya ang naging bakasyon ko dahil sa kanya. Kinailangan ko ng umuwi makalipas nga ang 3 linggo dahil na din sa kakapusan ng damit. Nangako ako na babalik matapos ang isang linggo.

Pebrero ng bumalik na nga ako sa Marinduque. Excited ako dahil naiwan ko ang puso ko doon. 


Madaling araw ng lumulan ako kasama ang aking pinsan, patungo sa himpilan ng bus sa Lawton. Dahil nagpupuno pa ang bus, naisip ko munang bumaba para magyosi. Sa aking paglabas ay nasalubong ko naman ang sumunod na nagpatibok ng aking puso (muli). Itago na lang natin sya sa initials na MTL o My Tru Lab. May itsura sya, maputi, maganda ang pangangatawanan. Di naman sa pagiging eksaherada Ate Charo pero papasa itong artista!. Di pwedeng di sya mahagip ng aking mata. Bumaba ako ng bus na may pag-aasam na sana makilala ko sya.. Goodluck!

Ako: Manang, yosi nga po.

Nagulat ako dahil nasa tabi ko na si MTL!

MTL: Manang, yosi po.

Ang lokang manang, inuna pa si MTL. Palibhasa'y may itsura..di siguro napigilang kumerengkeng.

Ako: Ay, unahin ba e ako ang naunang bumili?!

MTL: Unahin nyo na po sya (pertaining to me)

Gumilid ako ng konte para hithitin ang aking yosi. Muli na naman akong nagulat dahil nasa tabi ko si MTL.

MTL: Ang sungit mo naman.

Ako: E kasi ako naman ang naunang bumili tapos ikaw pa ang inuna nya!

Humingi sya ng pasensya. At para ipakita ang kanyang apology ay hinalikan nya ako sa pisngi. Joke lang Ate Charo. Sana nga ganun ang ginawa nya.

MTL: Saan ang baba mo?

Ako: (At talagang nakipagkwentuhan ang isang ito saken ha.. 'KILIG') Sa Dalahican..

MTL: A, talaga, dun din ang baba ko! 

Ako: (Akalain mo o..'mas kinilig')

MTL: Bakit, uwi ka bang Batangas?

Ako: A hindi, luwas akong Marinduque..saka may kasama ako-pinsan ko..nasa bus na..

MTL: Talaga? Taga-Marinduque din ako! San kayo dun? (May galak ang kanyang tono)

Ako: (Weeeeh!!! Totoo ba ito???Teka, soulmate na ba ito? Serendipity?!) Tiga- Boac kami..O dont tell me, tiga-dun ka din?!

MTL: Tiga- Boac din ako! Sa Mataas na Bayan!

Ako: ( C'mon!! This is it na talaga! Kilig x 100!!!) Ay, di ko alam yung mataas na bayan.. pero malapit kami sa MSC.

MTL: Alam ko yun, madadaanan yun papunta samen. Gusto mo, daan tayo sa inyo maya,hatid natin mga bag nyo tapos diretso na tayo samen. May motor ako, ako magiging tour guide nyo!

Ako: (Panalo!) Sige..pero ok lang ba sa'yo? (Cue 'Can This Be Love' song here)

MTL: Oo naman. Ako nga pala si.. (MTL).

Inabot nya ang kamay ko at hinalikan..Mainit ang kanyang mga halik..Marubdob..Mapusok.. Joke lang ulit Ate Charo.

Ako: Ako naman si ... Tara na, umakyat na tyo ng bus at baka iwanan tayo..


Saan hahantong ang kwentong ito? Makakarating ba sila sa Dalahican? Di kaya masamang tao si MTL? Ano ang mensahe ni Manang tindera sa mundo? May nais ba syang iparating? Bakit nagiging magugulatin ang ating bida kapag sumusulpot si MTL? Sundan ang kwento sa mga susunod na araw..

(Cue Maalaala Mo Kaya song here)

8 comments:

  1. hahaha..ingglisan???ako na talaga..lolz

    ReplyDelete
  2. hahaha yosi ang titulo

    ReplyDelete
  3. nakakatuwa naman, batay ba ito sa totoong pangyayari, o gawagawaan laman ng malikot na pag-iisip? ano pa man yan, aabangan ko ang susunod na kabanata. Palagay ko mas bagay na title: Motor! hehe kasi dyan ang action eh

    ReplyDelete
  4. @Paolo nakow rev,,hango yan sa totoong buhay..hehehe

    subaybayan ang pagpapatuloy.. =)

    ReplyDelete
  5. @Gandara Park,

    Thanks..salamat sa pagdaan. :)

    ReplyDelete
  6. true story ba to? hehe dito na rin ako magko-comment..sayang naman at hindi pala sila nagkatuluyan...

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages