Scary! - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, January 26, 2011

Scary!

Yesterday, a bus exploded along EDSA leaving 4 dead and at least 14 injured. 


photo from abs-cbnnews.com

Suddenly, it felt like it's hard to find a place where one can be safe. Kaliwa't kanan ang mga carnapping. Sangrekwa ang pinapatay at nire-rape. Anu na bang nangyari? Have we lost our morals? I can't find any logic to this. How can someone commit such act?


ANO NGA BANG SAYA ANG IDUDULOT KUNG MAKAPATAY KA NG MGA INOSENTENG TAO?


Imagine, those people are workers, students, parents. Some maybe the only hope of their families but because of some senseless, good-for-nothing people, they have robbed other people's lives and love.


Nagdiriwang ba ang mga hinayupak na gumawa nyan dahil marami silang napinsala? Kung may nagawa man sa kanilang atraso ang iba, kaylangan ba talagang maghiganti at ang mga walang kinalaman ang mga isangkot?


Sabi nila, pwede daw terrorist attack. ( From audioenglish.net- A TERRORIST ATTACK is a surprise attack involving the deliberate use of violence against civilians in the hope of attaining political or religious aims)


Pwede din daw diversionary tactics, para mawala ang atensyon sa mga carnapping cases na mainit sa ngayon. Or destabilization plot para pabagsakin ang present government. Sabi nila, pwede ding extortion.


Kung anu pa man yan, di ko pa din maintindihan. Kasi buhay ang kinuha nila. Sa totoo lang, anu bang matinong ipinaglalaban ng mga terorista na yan? Puro sila ibagsak, pero wala namang itinatayo. 


Gusto pala nilang manakot, magtayo na lang sila ng horror house-marami pang matutuwa! 


Ano kaya ang next plans ng mga HUDAS na yan? Pasabugin ang LRT? Sunugin ang buong Maynila?


Sa mga 'mababait at kapaki-pakinabang' na mga taong gumawa nito- Sana maging masaya sila sa mga pinaggagawa nila. Sana mamuhay ng matiwasay ang mga pamilya nila, puspos ng nag-uumapaw na kaligayahan kahit marami silang napatay. Ulanin sana sila ng mga biyaya. Iakyat sana sila sa langit kapag sila'y nawala na. 


Sa aking mga kababayan, patuloy tayong maging mapagmatyag.Ibayong ingat ang kailangan-lagi.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages