Aminin mo,di masyadong magandang pakinggan ang salitang tae--at mas lalong mabaho ang 'ebak'.Mabaho na nga, mabaho pa din ang tawag.
O di ba, mabaho din ang salitang 'utot'. Pangit din pakinggan ang 'kulangot'.
At napansin nyo ba, pangit din ang tawag natin sa mga private parts ng ating dear body. Maganda naman pakinggan ang 'buhok' o 'mata' o 'kamay'..Pero di kasing-bango ng tunog ng(ooops..ang susunod na mga salita ay rated PG,patnubay ng magulang ay kailangan) pekp*k, bulb*l, bay*g at ti*e..
Di ko din gusto ang tunog ng batok, kilikili, singit, kuyukot, alak-alakan at balun-balunan. Bakit ang English counterparts naman ng mga salitang iyan e maganda naman pakinggan?
Eksplosibo din sa pandinig ang mga salitang 'putok' , 'anghit', 'libag' at 'sipon', 'uhog', 'tulok' at 'alingasaw'.
**
Noong Marso ay nagpunta ako sa Abucay, Bataan para sa isang retreat. Sa Letran College doon kami tumuloy. Kumpara sa tunog ng Letran,Manila,di ko masyadong gusto ang tunog ng Letran, Abucay.
Matapos ang retreat, umakyat kami ng Mt. Samat..At na-realize ko din na karamihan sa ating bundok ay may di kaaya-ayang tunog..Samat, Pinatubo, Taal, Susong-Dalaga..
Bakit di natin baguhin ang pangalan nila? Halimbawa, Bundok Charlemagne ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas..o di kaya- Noong 1990, sumabog ng bonggang-bongga ang Mt. Beverly Mae..O di ba? Mas cute? =))
**
Ilan lang yan sa mga di kaaya-ayang pakinggan..kayo, anu ang pangit ang tunog para sa inyo?
No comments:
Post a Comment