The AMPNESS of Heavy Rains - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Monday, July 27, 2009

The AMPNESS of Heavy Rains

I was at Sto Domingo yesterday for the grand opening of MUKHA AD Batch 20. (Mukha AD is a Youth Formation of the Dominican brothers with the lay.) It started to pour a little after lunch,and how it rained! I don't know why it ALWAYS had to rain during a batch launch.=((

The program ended at 5.30pm.At dahil kalakasan pa din ang ulan,nagpatila muna kami sa loob ng Mukha Ad office. It's almost 7pm and the rain continue to pour heavily. Ayaw paawat!I called home and asked if it's already flooded in our street. " Hanggang dibdib na ang baha" sabi ng kapatid ko. Oh my gawd! I knew it, ang lakas naman kasi talaga ng ulan!Pero OA naman yung lalim ng baha..wala naman ako sa Malabon!At walang bangkang masasakyan!
Dahil inaantok na si Jomz,ang aking kaibigan at kasabay sa paguwi, we decided to brave the heavy rains. Armed with our umbrellas, sinugod namin ang ulan! Pwede kang kumanta ng 'Basang-basa sa ulan' habang naglalakad pero di mo magagawa dahil seseryosohin mo ang pagkandirit sa medyo bahang bahagi..

Taragis naman oo!Gusto ko lang naman magpunta sa launching ng Batch 20, kailangan bang struggle ang paguwi ko?!Amp!

Oh, well..alang masakyan sa Araneta dahil lubog na din sa baha.Plan B--magjeep papuntang SM at doon sumakay papuntang Monumento.Sugod mga kapatid! At dahil basa na rin ang sapatos ko, hinubad ko na sya habang naghihintay sa mahiwagang jeep. Amp! Bago ang sapatos ko..makatarungan ba ito?!

8pm ng makasakay kami ng bus sa tapat ng Trinoma..9.15pm na pero nasa tapat pa din kami ng SM.Bawal umusad?! Amp!

Ang katabi ko super impatient na! Naiirita na din nga ako kakaexclaim nya ng 'Tsk!' every 20 seconds..Helloo!!!!Kahit ilang "Tsk!' ang sabihin nya, traffic talaga!I-enjoy na lang nya ang moment sa pagmumuni-muni ng mga pangarap nya..Di pa nakuntento,tina-tap pa nya yung window sa inip..Bakit kaya di na lang sya bumaba at laglakad?! Baka mas mabilis pa!Amp!

10.30pm ng makarating kami sa Monumento..Oh my gawd!2.5 hours from Trinoma to Monumento?! Daig ko pa nagpunta ng Bulacan o nanggaling ng Cavite!At syempre when it rain,it pours..kahit sa Mento pahirapang sumakay..Amp!

Almost 11pm na kami nakarating ng bahay..Sweet Pusit!Buhay na buhay ang street namin! Maririnig ang pagwasiwas ng mga walis tingting..Naglilimas ng mga binahang gamit.Dinatnan kong nakapaglinis na sa bahay..At ang marka ng baha--apat na baitang na lang ng hagdan at aabutin na ang itaas ng bahay.Hanggang leeg ang baha! OVER OA!!


Ang itsura ng 'street' namin matapos ang baha kagabi..
Sabi ng aking ama-- sa tinagal nya sa lugar namin, dun lang daw lumaki ng ganun ang baha!Amp!

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages