Samu't Sari sa Lrt 4: Chismax Girls - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, January 21, 2009

Samu't Sari sa Lrt 4: Chismax Girls

This incident happened kanina on my way to work. Two ladies seated on my front..Looks like they’ve been classmates then and are updating each other. TOPIC: former classmates. Seems interesting.. Eavesdropping again..lolz..

Itago natin sila sa codenames na Chismax 1 and Chismax 2:

Chismax 2(C2): So,kamusta naman? San ka na nagwowork ngayon?

Chismax 1(C1): Sa Makati ako ngayon..sales..5months contract nga lang.

C2: So wala kang plano mag-abroad after nyan?

C1: Meron din..Baka susunod ako sa boyfriend ko pagka-alis nya..

C2: A,talaga?Saan naman?

C1: Sa California sya e..

Aco: (Balloon) Goodluck sa recession!

C2: Ui, natatandaan mo ba si Marc?

C1: Oo..’yung bading?

C2: Lalaki na sya ngayon!

C1: Bading kaya yun..Classmate ko yun nung college..May boyfriend pa nga sya dati..

C2: Lalaki na nga sya ngayon!

Aco: Smiling

C1: Swear?? Bakla kaya yun! ( Ipagpilitan talaga?!hehehe) Eh si Kervin? Di ba bading din yun?

C2: Oo! Ang haba-haba na ng buhok nya.. Si Gian Carlo natatandaan mo pa?

C1: Oo..pumogi daw yun?

C2: Yes..pero may asawa na sya..Gusto mo kunin yung number? Meron ako.

C1: Naku hindi na..di ko naman nagging crush yun.. (Ui..kumekerengkeng)

C2: Si ___ ( I forgot the name) may asawa na din. Saka si ____.

C1: E 22 na din naman tayo.. Age na din para mag-asawa..

Aco: (Balloon) ganun?Ako nga 20+ na..ni syota wala,,’tong mga ‘to puro pag-aasawa iniisip..

C2: Si Michelle nga 5 years old na anak. Nasa Japan na sya ngayon.

C1: 5 years old? High School ba sya nabuntis?

C2: Oo..nung 4th year. Si ___ buntis din,,3months ata.Kapitbahay ko kasi yun..

C1: Talaga?

Maraming pangalan pa ang binanggit ni Chismax 2 sa kung sino na ang nanganak, nagpakasal at kasalukuyang buntis sa mga classmates nila.. Di na ako magtataka kung sa NSO sya nagtratrabaho..lolz

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages