Walang magawa - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Monday, September 29, 2008

Walang magawa

We were having internet connection problems last Thursday and Friday..kaya ayun..ang hirap tuloy- most of our transactions with clients and consultants ay thru emails kasi.Walang internet connection means walang magawa..

Ala akong scheduled itinerary last weekend kaya I texted some friends for a late night kwentuhan..Walang magawa so tambay lang sa 3rd Street,reminiscing our College kabalastugan days.Wala pa rin magawa nung Saturday,so I decided to go out and ask my friends to order perfume from me..OK naman-nadispatsa ko naman ang mga dala kong pabango pero napainom na rin ako sa bahay ng isang kaibigan na nabentahan.

Today's Monday,and after doing my weekly report-ala na ulit ako magawa..haays..Been dealing with old requirements kaya almost exhausted na ang mga possible candidates na pedeng i-send.Sana may new requirement na dumating para may magawa naman!

Eto pa ang sa tingin ko'y mga walang magawa..

Gustong ipagbawal ni Rep. Ed Joson of Nueva Ecija(?) ang UFC(a form of mix martial arts sa Pilipinas)- sabi nya masyadong peligro ang sports na ito sa mga manlalaro like Boxing. Para sa kanya, we should promote non-violence sports.Sabi naman ni Alvin Aguilar,president ng URC(version ng UFC sa Pinas),it is a contact sports pero it doesn't promote violence. Sa tinagal na ng larong ito,there has been no statistics of death unlike BOXING na marami ng naitalang cases.

I am thrilled watching UFC..It's a spectator sport kaya marami ang naeenganyong manood.I think this are the modern-day gladiators and spectators go wild for the bouts they watch.

Itigil na daw ang sports na ito sa Pinas...

Ang sa akin,andaming batas na pedeng isulong ng representative na ito para patulan pa nya ang UFC na ito.While he may be concerned sa health ng mga players na ito, i think there are more important issues to be more concerned with.Health na rin lang ang concern nya,bakit di nya pagtuunan ang pagpapatayo ng health centers at hospital sa province nila?Gusto rin pala nyang umeksena sa Sports,bakit di nya isulong ang pagpapatayo ng Sports Centers sa sakop nya??Alang magawa???!!!

O syempre,last week ata,isang guiness record na naman ang nais itala ng mga kababayan naten para sa PINAKAMALAKI AT PINAKAMAHABANG KAKANIN!!Today,another province wanted to beat their own record for the LONGEST BANIG-2 kilometers ata ang ginawa nila to break the record of 1.5 km.It is been said that P200,ooo daw ang pondong nilabas para sa banig na ito!

Ewan ko ha..ala na ba talagang ibang pedeng gawin?Lagi na lang for Guiness World Record e para namang di napapansin yun..And besides,di ko rin masyadong makuha ang sayang idudulot nito sa puso naten kung tayo ang tanghaling may Pinakamalaking kakanin o pinakamahabang banig sa mundo..na para bang pag nasa ibang lugar ka na-you can proudly say-Im Pinoy..Home of the World's Longest Banig( nangingilid-ngilid pa luha mo nyan habang sinasabi yan!)

Sayang ang 200K! Ilang libro na ang pedeng mabili diyan para malinang ang isip ng batang Noypi diyan!

I don't wanna sound rude, pero ano nga naman ang pakinabang ng pobreng Juan dela Cruz sa mga for- World- Record activities na yan?Sa banig na yan kaya natin pahigain ang mga nagtutulog-tulugang government officials na yan?!

I browsed the net to see if some Pinoys agree with my feel about these ..And here's what I got:

"pinoy record nman na walang sense?tulad ng pinakamalakaing sisig,pinakamahabang iniihaw na talong,bangus,etc..dyan tyo magaling..may record na rin tyo sa guiness,record ng pinaka walang kwentang world records sa buong mundo"

Himutok pa ng isa ring blogger:

"mula ng nauso ang Guiness na 'yan, mga Pinoy na-adik na sa pahabaan, palakihan, ano pa?..lahat na ng palakihan at pahabaan eh ginawa na, pero nasa Guiness ba tayo? wala naman diba?! nagsasayang lang sila ng pera at nagpapagod lang sila. like the biggest puto...bat ka gagawa ng international appreciation sa isang local product..lalo na sa longest grill, kinakalaban ng pinoy ang sarili niya. nauna ang bangus ng dagupan, sumunod ang barbecue ng cebu, sumunod ulit ang eggplant grill ng villasis. anong susunod, longest tuna grill naman ng general santos city? ang nangyayari sa atin eh, nag-guguiness tayo sa sariling bakuran natin. gumawa na lang tayo ng philippine version ng guiness..hinihigitan natin ang kapwa nating pilipino. its a scenario na masasabi nating, wala talaga tayong unity. crab mentality talaga tayo!

Di ba mas maganda kung ang ginagawa natin ay mga mas produktibong bagay para umunlad ang ating dear Pinas?Di ba mas OK kung ang mga kongresista at iba pang government officials natin ay nagsusulong ng batas para makatulong sa mga mahihirap nating kababayan?Andaming pedeng gawin pero di ginagawa o ayaw lang talagang gawin????

And I agree sa last words ng blogger na nabanggit ko sa taas:

"isa lang ang gusto kong makita sa Guiness:


New First World and Most Powerful Country-

PHILIPPINES!!

Ibig sabihin lang niyan-marami na tayong nagawa! =)

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages