Nangangamoy Dugo - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Tuesday, January 14, 2014

Nangangamoy Dugo

Mahaba na naman ang pila kanina sa bus station sa Carmona Market. 7.45am na ng makasakay ako sa bus.
Dahil marami ng mali-late sa opisina at eskwela, marami na ang nagdecide na tumayo na lang. Maswerte ako na nakaupo agad sa unahan.

Luko-luko din naman itong mamang konduktor na puno na nga ang bus ay paakyat pa din ng paakyat. You can just imagine the siksikan.

Halos wala pang isang minutong nakakaalis ang bus ng magkaroon ng commotion. Itago natin ang ating mga bida sa codename na Babaeng Voluptuous at Lhady Mhaldita.

Babaeng Voluptuous(BV): Miss, wag kang naniniko at nananapak (ng paa). Nananadya ka na a!

Lhady Mhaldita(LM): Tumigil ka! Nasisiksik mo ako! (Mistula syang naging 'hulk' sa galit!)

BV: Nasisiksik din ako, pero di ako naniniko. (calm tone)

LM: Leche ka! Tumahimik ka diyan! Matanda ka na ang ingay mo pa!

Ako: (balloon) Wow! Big words!

Sumabat si Manong Driver..

Manong Driver: O, wag kayong mag-away. Mahirap talagang sumakay ngayon kasi may banggaan diyan sa SLEX kaya di makapunta dito ang mga bus.

At may cameo role din sa Manong Konduktor:

Manong Konduktor: Ok lang yan.. Paminsan-minsan, maganda din nakakakita ng ganito. Exercise yan sa dugo..

BV: Ako pa ngayon ang leche. Ikaw nga itong mataas ang tono.

LM: Tumahimik ka diyan!

**
Bakit nga kaya mainit ang ulo ni Lhady Mhaldita?

a. Pers day ng regla nya ngayon
b. Di sya 'nadiligan' kagabi kaya bad trip ngayong umaga.
c. Ipinanganak sya noong pumutok ang Mt. Pinatubo.
d. Di naging masaya ang kanyang childhood.

Sayang nga at tumahimik na sila pareho.Hehehe.Akala ko dadaganan na ni Babaeng Voluptuous si Lhady Mhaldita e! Gusto ko pa naman makapanood ng totoong UFC fight. Ahihihi.


So sinong nagsabing sa LRT at MRT lang may ganitong bangayan? Hahaha

**
Twitter: @iambough
Instagram: iambough

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages