Usapang Kuto

Nag-aabang ako ng LRT train kahapon ng mangyari ito.. Nasa harapan ko ang isang babae, di katangkaran,mahaba ang buhok at medyo mataba.Naka-suot ng puti at alam kong isa syang medical student. Ilang minuto na ang lumipas at wala pa din ang tren. Marahil sa inip at dahil naiinitan na din, hinawi ng babaeng nasa harapan ko ang kayang buhok, papunta sa kanang balikat--at ang tumambad sa aking mga mata (cue PSYCHO sound track here)--isang namimintog na kuto na nakadikit sa kanyang uniporme

(Ipagpaumanhin, ngunit ang larawan ay nasa ulo at wala sa uniporme gaya ng aking nabanggit, hindi po kuto ng babaeng tinutukoy ko ang nasa larawan..model lamang ito. )

Mistula itong nagpatay-patayan marahil upang di sya pansinin.Ngunit sa laki nito, di ito pwedeng makaligtas sa aking paningin. Ang tanging nasabi ko na lang sa aking sarili ay: EEEWWWW!!! Naisip kong lumayo sa takot na lumipat sa akin ang kanyang kuto. Makapal ang kilay ko, ayokong gawin nya itong bagong bahay.

Nakapasok na kami sa tren at nakikita ko pa din ang mahiwagang kuto ng babaeng di marunong mag-shampoo ng madalas (hula ko lang yan).

Naisip ko, ano nga ba ang dulot ng kuto sa buhay naten? Kung nakakapagsalita sila, may nais ba silang ibahaging mensahe? Kailangang dugo talaga ang sipsipin nila? Ayaw nila ng juice? O kaya ng Coke? Kuta ba ang tawag sa babaeng kuto? Kutatsing ba ang tawag sa malalanding kuto? Ang taong kalbo ba maari ring kutuhin?

Lazada Philippines


MGA ILANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA KUTO

*May tatlong klase ng kuto: Head lice (kuto sa ulo), Body Lice (kuto sa katawan) at Pubic Lice (kuto sa..oops..alam nyo na)

 *May 6-12 milyong Amerikano ang kuto. Imadyinin mo mo na lang kung may tig-dalawang kuto (konti ito)sa bawat ulong iyon, aba'y kaya ng takpan nito ang kalangitan ng buong Maynila! Chos!

*Mali ang paniniwalang may kakayahang lumipad o tumalon ang mga kuto. Sila ay lumilipat via head-to-head o direct contact o sa pamamagitan ng mga bagay tulad ng pag-share ng headset, suklay, kumot o kaya'y sombrero.

 *Ang isang babaeng kuto ay maaring mabuhay ng hanggang isang buwan.Ang pag-abot ng isang taon ay kagila-gilalas. Wala pang nai-record na kutong nabuhay ng isang taon- ayon sa aking pananaliksik sa Guiness.  Sa panahong sya ay nabubuhay, may kakayahan syang mangitlog ng 7-hanggang sampu kada araw.

*Ang malinis na buhok ay di garantyang di ka magkaka-kuto. Tulad ng nauna ng nabanggit, ang paggamit ng headset o suklay o sombrero ng taong may kuto ay maaring mag-transmit sa iyo nito.

*Di gusto ng mga headlice ang Petroleum Jelly, mayonnaise at olive oil. Kung kaya't  ang paglagay nito sa iyong ulo ay makakatulong para di na lumaganap pa ang mga itlog ng kuto. Babala: Wag ng i-recycle ang nilagay na mayo at olive oil sa ulong kinukuto. Ginawa ito ng aking kapitbahay at namungad ang kuto sa kanyang dila.

*Sa Pilipinas, ang panghihinuto ( pagkuha ng kuto ) ay libangan ng iba.

Suhestyon: mas madali itong gawin sa baitang ng hagdan.

*Sa Pilipinas, halos bawat batang babae ay nagdadaan sa 'kinukuto-stage'. Ang 'suyod' (pananggal ng kuto) ay isang bagay na madalas makita sa mga bahay.

*Makati ang magkaroon ng kuto sa buhok, at mas lalong makati ang magka-kuto sa _ _ _ _ _ _ !

MORAL LESSON

Wag na hawiin ang buhok kung alam mong may kuto ka. Di mo gugustuhing magpakitang parang multo ang mga kuto mo sa iba. Ahihihi.


nakuha ang mga larawan sa net

**
Let's connect.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment