Ang Mainterview ni Tito Boy - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Friday, November 20, 2015

Ang Mainterview ni Tito Boy

So I turned another year older last Monday. I got the surprise of my life when the King of Talk came to interview me. 

Read on:


Tito Boy: Magandang umaga, Allan. Salamat sa oras na ito at napagbigyan mo kami sa isang panayam.
Me: Good morning, Tito Boy. It's a privilege. Ako po ang dapat magpasalamat.

Tito Boy: No, Allan. Ako ang dapat magpasalamat. Truly, this is an honor. Thank you, salamat. Bago ako magsimula, nais kitang batiin ng Happy Birthday. 
Me: Salamat, Tito Boy.

Tito Boy: So, how did you celebrate your birthday?
Me: I usually go out of town to celebrate my birthday. I got invited to cover the Mimaropa Festival in Mindoro last weekend. So parang yun na ang aking out of town birthday vacay. I will post po another article on this soon.

Tito Boy: Wow! Fantastic, baby! Allan, sa mga nakakakilala sa'yo, alam nila na marami kang pinagdaanan para marating ang lahat ng nasa sa'yo ngayon. Balikan natin ang panahon na yun.
Me: Tito Boy, sa totoo lang, kung anong meron po ako ngayon, lahat po yun ipinagpapasalamat ko sa Itaas. Open book naman po ang kwento ng buhay ko, our family struggled during my teen years. Im lucky to have a madiskarteng nanay, who did everything to make both ends meet. Maswerte din po ako sa aking father who encouraged me to never give up.

Me: Sinabi ko noon sa sarili ko Tito Boy na ibabalik ko ang mas kumportableng buhay sa pamilya ko. I will explore many places. Unti-unti ko naman pong nagawa. Aaminin ko po, madami pa ding problema pero nasa mas maayos na po kami ngayon.

Tito Boy: Kaibigan. Madami ka nyan. Madaming nagmamahal sa'yo. Your words for them.
Me: My friends are my angels. Malaking bahagi sila ng buhay ko. Kay Ate Myles, I will forever be grateful for your generosity. Sa aking mga besties at close buddies, Dulce, Archie, Car, Lizzie, Tropang MC- maraming salamat. Kina Inay, Whey, Arnie, Aldrin, Ninang and to the rest of Urbanistas- thanks a million. Life seems easier every time Im with you, guys. Special mention pala sa mga former officemates kong sina Det at Sheila for always being there for me when I need them. I cant mention all of them here pero salamat sa lahat mga kaibigan ko na patuloy na nagmamahal saken.

Tito Boy: Kamusta ang puso mo ngayon?
Me: Kailangan ko pa bang sagutin yan? Hahaha

Tito Boy: Yes. 
Me: Im single. Pero masaya naman po. I was busy the past months and seriously, I can't squeeze love life sa buhay ko. Ahihihi

Tito Boy: Mababasa ito ng karamihan. Manawagan ka sa kanila. Baka may nais magpatibok ng puso mo.
Me: Naku, di na Tito Boy. Wala po akong plano gawing Pastillas-serye ang paghahanap ko sa next relationship ko.

Tito Boy: Ok, naiintindihan ko yan. Allan, let's play fast talk. Yung mahal mo o mahal ka?
Me: Mahal ako.

Tito Boy: Team Nieto o Team Trudeau?
Me: Team Nieto.

Tito Boy: Manny Pacquiao o Alma Moreno?
Me: Kailangan ko ba sagutin yan?

Tito Boy: Kung maiipit ka sa traffic, sino ang mas gusto mo makasama? Si Krizzy o si Koring?
Me: Si Krizzy, with reservation.

Tito Boy: Your final words para sa lahat ng mga nagmamahal sa'yo. Go ahead, pasalamatan mo sila.
Me: Mahaba-haba ito, Tito Boy. To my parents and sisters, thank you for the undying love and support. To all my friends, cheers to more travel, coffee, food and beer. Kampai! To my officemates, both old and new, you bring out the best and worst in me. Let's continue to strive for excellence. To my MUKHA AD family, salamat sa pagbibigay kulay sa aking mga Sundays. Team OOG, N4. Star Cinema, Star Records-salamat. At sa Itaas at sa intercession ng Our Lady of La Naval- salamat Po sa lahat ng biyaya.

Tito Boy: Maraming salamat, Allan, sa interview na ito. Nag-enjoy ako..nag-enjoy ako.
Me: Salamat din po, Tito Boy.

Tito Boy: Muli, happy birthday. At sana, matupad mo ang lahat ng pangarap mo para sa pamilya mo.
Me: Sa tulong po ng Maykapal, Tito Boy. 


P.S. Wish ko lang ininterview talaga ako ni Tito Boy. Ahihihi.

**

Let's connect.

1 comment:

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages