Ang pangyayaring ito ay halaw sa totoong buhay. Patnubay ng kaibigan, kapitbahay at kakampi ay kailangan.
Bukod sa pagkain (at umebak pagtapos), isa sa pinakamasarap pang gawin ay ang maghinunuli- the act of extracting 'tutuli' from one's ear. Ang banayad na pag-ikot ng cotton buds sa loob ng iyong tenga ay nagdudulot ng kakaibang ligaya at sarap.
So eto na ang kwento ng ating bida.
Matapos maligo at magbihis ay naisipan ng ating bida na itatago natin sa pangalang Cotton Bud Freak (CBF) na linisin ang kanyang tenga gamit ang cotton buds.
Medyo makapal ang Q Tip kaya naisip nyang bawasan ng ilang hibla ang bulak at nilagyan ng baby oil pagkatapos. Swabe ang banayad na pag-ikot ng cotton buds sa kanyang tenga at napapapikit pa sya sa kiliti at sarap na sensasyong dulot ng kanyang ginagawa.
Nang sya ay kuntento na sa paglilinis ng kanyang left ear, dahan dahan nyang hinila palabas ang cotton bud at que horror!!!! 'Insert Psycho sound here' Nawawala na ang bulak sa dulo! Syet na malagkit! Naiwan kaya ang bulak sa loob ng kanyang tenga?!
Nag-moment of silence muna sya at muling tiningnan ang hawak na cotton bud. Kampirmd. Wala ang bulak sa kabilang dulo!
Humangos palabas ng kwarto palabas si CBF at tumakbo papunta sa kanyang ina.
(In Kastila-in tone) 'Ma-mah! Ma-mah! Mukhang naiwan ung bulak sa loob ng tenga ko. Silipin mo at hilahin palabas!'
'Wala akong makita, anak. Sigurado ka bang naiwan sa loob ng tenga mo?'
'Oo, Ma-mah. Sure na sure. 100% sure. Silipin mong mabuti at hilahin mo ang naiwang bulak palabas!'
Tinapatan nila ng halogen lamp ang butas ng kanyang tenga ngunit walang makita ang kanyang Ma-mah.
No choice si CBF. Kaylangan nya itong patingnan sa ENT.
Kinabukasan,
ENT: Anong ipapa-check up?
CBF: Doktora, (hingang malalim) may naiwan po yatang bulak sa loob ng tenga ko. Oo doktora, sige pagtawanan mo ako. Alam kong katangahan ang pangyayaring ito pero nalibang ako sa paglinis ng tenga ko at di ko naisip na gusto pala mag-staycation ng bulak na iyon sa loob ng tenga ko.
ENT: Andami mo naman pyuk. Hindi kita pagtatawanan dahil ang katotohanan madaming kaso ng ganyan. Yung iba nga ipis pa pumasok sa loob ng tenga nila. May iba din na pinasukan ng beads, papel, small toys at erasers. Meron ding hairpin, clip, pink butterfly, albino snake at drum. Charing.
CBF: Mapagbiro ka pala doktora. Pwede nyo bang silipin na ang tenga ko para ma-confirm kung may naiwan ngang bulak sa loob?
ENT: OK, sisilipin ko muna ang right ear mo. Clear naman. (Sinilip ang left ear) Juice colored! Kampirmd! May bulak nga sa loob. Kaylangan natin tanggalin yan. Magbayad ka muna ulit para magawa ang procedure.
Wow. Separate payment pa pala ang gagawin nya. Pero no choice. Baka mainfect pa. Buti na lang naka-health card si CBF.
Gamit ang kanyang paraphernalia ay hinila na nga ng ENT ang bulak na naiwan sa kanyang tenga.
Isang kaluwagan sa pandinig at pagkapanatag ng kalooban ang naramdaman ni CBF matapos ang wala pang 10 segundong procedure.
Moral lesson: Mahal ang magpahila ng naiwang bulak sa loob ng tenga. Careful sa paggamit ng cotton buds para di matulad sa ating bida. :)
**
naiwan po yung bulak sa loob ng tenga ko :(
ReplyDeleteMagkano po magpahila ng bulak sa tainga? Naiwan po kasi yung bulak sa tainga ko.
ReplyDelete