Hikahos - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Thursday, August 7, 2014

Hikahos



Walang laman.

Taob ang kaldero't pinggan.

Butas ang bulsa. Di makalarga. Tambay.

Kape. Walang asukal. Hingi ng mainit na tubig kina Aling Metring.

Palista ng utang sa tindahan.

Sa kariton. Maulan. Nanginginig sa ginaw. 

Riding in tandem. Isnatser. Budol budol.

Pati anak binugaw sa cybersex.

Nagtatakbuhan ang mga daga.

Madilim. Mainit. Walang kuryente. Sa ilalim ng tulay.

Mineral water bottle. Kalakal.

Limos. Takbo. Mainit. Maulan.

Bukas. Ganito na naman ulit.

Walang laman.

Taob ang kaldero't pinggan.

Pati ang aso sa larawan.

Hikahos.

-Allan Bough

**
Let's connect.

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages