Nangyari Na Ba Ito Sa'Yo? - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Friday, October 25, 2013

Nangyari Na Ba Ito Sa'Yo?

Carmona. Last Monday, kabababa ko lang sa bus at naglalakad towards the direction papuntang spa kung saan ako may 7pm appointment. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may narinig akong nagsalita: 'Sir! Sir!'

Ako kaya ang tinatawag? May estudyante ba ako dito? Sir talaga? (Dati akong preschool teacher.)

Dinedma ko ang tawag.

'Sir! Sir!',mahinang tinig ng babae.

Mula sa isang babae in her mid 30s ang boses. May kasama siyang lalaki-mga early 20s siguro ang edad. Pareho sila ng polo shirt--uniform siguro sa work.

' Sir, hihingi po sana kami ng tulong. Kahit 18 pesos lang--pamasahe.'

Naka-distansya ako. Marami akong nababasang kung anong modus operanding ganyan. Baka masamang tao. Mahirap na. Nag-iingat lang. Nevertheless, pinakikinggan ko sila.

' Di po kami masamang tao. Baka po pwede lang humingi ng tulong..'

'Tiga-saan po ba kayo?', tanong ko.

'San Pedro po. Kinulang po kasi pamasahe namin.'

Tingin ko naligaw sila. Bakit sila nasa Carmona kung sa San Pedro pala sila pupunta? Baka nagkamali ng sinakyan. Mukha namang mabait. Saka 18pesos lang naman. Kung nagsisinungaling sila e hindi ko naman ata ikakahirap ng husto kung abutan ko sila.

Inabutan ko ng 20 pesos. 'Eto po..ingat po kayo.'

'Salamat sir.'

At umalis na ako. 

Naalala ko tuloy yung episode ng Wish Ko Lang nung Sabado. Yung nagpanggap si Mark Escueta na may sakit sa balat at titingnan nila kung may Good Samaritan na tutulong sa kanya. (Panoorin ang episode sa dulo ng entry na ito.) 

Naisip ko- di kaya Wish Ko Lang ito? Baka na-set up ako. Hehehe.

Malabo. Walang staff na humabol saken. :))

---

Kagabi, nag-aabang naman ako ng bus pauwi ng Carmona sa may Pasay Road.

Abala ako na nagpupunas ng aking pawis dahil sa 12 minutes na lakaran mula office papuntang Pasay Road. Wala pa akong 2 minutes na nakatayo doon ng biglang nagsalita ang isang lalaki sa kaliwa ko.

' Kuya, taga Josiah's Catering po ako. May event po kami sa Ortigas kanina. Pauwi na po ako at pagbaba ko po sa RCBC, napansin ko nadukutan po ako. Nakuha po ang wallet ko. Naglakad nga po ako mula doon hanggang dito..'

I was like, Huwat?! Eto na naman! Seryoso ba ito? May nanghihingi na naman ng pamasahe! Gusto ko ng maloka ng very lite! 

I can hardly hear him speak sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan. Pero dire-diretso sya sa pagkwento. Halata ang kaba at takot sa mukha nya. Feeling ko may nangyari talaga sa kanya.

' Kinapalan ko lang talaga mukha ko sir. Lalakarin ko po sana pauwi kaya lang di po kaya..'

'Tiga-saan ka ba?'

' Trece Martirez po.'

Nagtataka lang ako kung paano sya umabot sa Pasay Road. Out of route sya sakaling sa Trece Martirez nga sya uuwi. Marahil kakahanap sa pwedeng tumulong sa kanya, napahaba ang lakad nya.

Nakakapagtaka din na inabutan ko ng madaming tao sa spot na yun at kung bakit ako ang napili nyang lapitan.

'Kuya, 100 pesos na lang kasi ito.. (pinakita ko yung pera). 80 pesos ang pamasahe ko. Magkano ba kaylangan mo?'

'70 pesos po sana sir. Pamasahe lang. Di ko po talaga alam, nadukutan ako.'

'Kung sakali e 20 pesos na lang ang matitira dito. Kulang pa din sa pamasahe mo.'

' Sir, kahit po yung sobra na lang diyan.' 

Mukhang kaylangan talaga nito. Kinapkap ko ang aking mga bulsa. May bente pang extra. Inabot ko sa kanya.

'Pasensya ka na kuya. Eto ang bente. Pero kulang pa din yan sa pamasahe mo. Try mo lumapit dun sa pulis, baka abutan ka ng singkwenta para makauwi ka na.'

'Ok na 'to sir. Pasensya na din. Kinapalan ko lang mukha ko talaga. Kahit po tingan nyo bag ko. Andito ang uniform ko, bow tie..'

Ngumiti na lang ako. Ilang segundo pa umalis na din sya. Di ko na sinundan ng tingin.

Nagtataka lang ako. Seryoso ba ito? Two similar incident happened in 4 days?

Ano bang meron saken at ako ang andun pag may nawawalan ng pamasahe? Hehehe

a. Mukha akong mabait.
b. Mukha akong matulungin.
c. Mukha akong approachable.
d. All of the above.

Pagsakay ko ng bus, inisip kong baka Wish Ko Lang episode na ulit ito. Pero, muli, walang staff na lumapit saken. :)

Nangyari na ba yan sa iyo?

2 comments:

  1. Waw.. Mukha ka sigurong mabait and it shows naman kasi binigyan mo sila ng pamasahe. Kawawa naman kung iisipin kung talagang wala silang pamasahe esp yung guy na taga Trece.


    Good Job!

    ReplyDelete
  2. siguro mukha akong mabait..o baka mukhang utuin..hahahaha

    a friend of mine told me it could be a modus..u know, professional beggars..kunwari lang daw na maayos ang itsura just to get something bigger. well, bahala na ang konsensya nila kung sakali ngang nanloloko lang sila ng kapwa nila :)

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages