I Dreamed A Dream - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, July 10, 2013

I Dreamed A Dream


Nanaginip ako..

Malinis ang Manila Bay..Buhay na buhay ang Luneta..
Maaliwalas ang Divisoria, malayang nagagamit ninuman ang kanilang cellphones na di nangangambang di aagawin sa kanila ng mga halang ang bituka..

Nanaginip ako..

Nagretire na sa showbiz sina Mega, Willie at Kris. 
Tumigil na din ang mga network sa kakagawa ng mga teleseryeng tungkol sa ampon, kambal at rags to riches stories. Ang saya-saya ng mga TV audience!

Nanaginip ako..

Wala ng magkakamag-anak sa gobyerno-- walang mag-ama, mag-ina, mag-asawa, magkapatid, mag-bayaw, mag-tyuhin sa senado at kongreso. Ang mga namumuno ay may totoong pusong maglingkod sa mga tao. Nakakulong ang mga corrupt kasama ang mga buwaya sa Manila Zoo.

Nanaginip ako..

Sumusunod ang mga motorista sa mga batas trapiko sa lansangan. Maluwang sa Edsa at bihira ng mag-sale ang mall giants kapag payday at Biyernes. Walang isang oras ang byahe mula Caloocan papuntang Makati.

Nanaginip ako..

Ang mga bata ay gumagamit ng po at opo, marunong magmano at ang mga pamilya ay sama-samang nagsisimba at namamasyal tuwing Linggo.

Nanaginip ako..

Walang batang hamog. Walang nangangalaykay ng basura. Walang kumakain ng pagpag.

Nanaginip ako..

May mall at sinehan sa Caloocan at Carmona. May McDonald's din. Ang saya-saya ko!

Nanaginip ako..

Ini-exercise ng mga empleyado ang pagpasok ng nasa oras. Mabilis ang transakyon sa gobyerno-- at walang mabagal na kumikilos.

Nanaginip ako..

Maaliwalas na ang kahabaan ng Pasay, Maynila at Caloocan dahil wala ng LRT. Maluwag ang mga daan at may sapat na transportasyon para sa mga pasahero. Mapuno ang mga kalsada at sa ilang street ay may mga kalesa. 

Nanaginip ako..

Ibinalik na ang death penalty. May malawak na police visibility. Mababa ng crime rate. Naubos na ang mga magnanakaw, mangagantso at nagbalik-loob na at active sa paglilingkod sa simbahan ang mga tirador sa mga malls at ang Budol-Budol gang.

Nanaginip ako..

Kaunti na lang ang OFW..May sapat na trabaho para sa lahat. Ang mga taga-ibang bansa na ang nagtatrabaho sa ating bansa. 

Nanaginip ako..

Maganda na ang hairstyle ni Charice..

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages