Haggardo Versoza - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Tuesday, June 4, 2013

Haggardo Versoza

Walang konek ang picture na ito ni Gardo sa entry na ito. Gusto ko lang ilagay. Lolz.

Ok. Fine. Sorry, ngayon lang ulit ako nag-update ng blog entry ko. Sa mga fans ko na naghihintay ng entry ko, pasensya na po. (Ako na ang may fans!) Ahihihi.

Lately ay medyo dull ang mundo ko. Kaya wala akong maisulat na post. So sobrang dull ay di ko na nadugtungan ang aking lab story na Love and Chances. Sa mga nag-aabang po (alam kong may dalawang sumusubaybay sa karugtong nun), ipagpaumanhin nyo po at kinakalawang ang utak ko ngayon.

So ano nga ba ang bago saken? Well, matapos ang bakasyon ko sa Nueva Vizcaya ay medyo naging abala ako ng very light dahil (finally) ay lumipat na sa mumunti kong bahay ang aking mga magulang. Yes, last week nga ay tuluyan ng nilisan ng aking pamilya ang apartment na inupahan namin sa Kalookan ng higit sa 30  years! Good bye baha! Yehey!

So ayun, dala ang ref, TV, sofa, TV rack, 4 na plastic cabinets, sandamakmak na mga damit, kurtina, twalya, basahan, planggana, baso, pinggan, timba, tabo at kung anik-anik pa..mistula ng bodega ang aking bahay! Palakpakan!

Naaasar na nga akong bumaba dahil nakikita kong wala na ang concept na inimadyin at inayos ko mula nung lumipat ako sa bahay na ito. Ang labas na ginastusan ko pa para magkaron ng landscape ay mistula na lang bahagi ng nakaraan dahil hindi ko na makita ang mga halaman at mini grotto dahil natabunan na ng mga gamit na dinala nila mula sa bahay sa Kalookan.

Gusto kong magwala at maasar dahil sa nakikita ko ngunit baka mawindang ang mga neighbors kaya dedma na.

Ang plano ay makaipon para mapaextend ang harapan para gawing bodega. Chos.

Haggard!

Mukhang bodega ang bahay ko ngayon pero happy na din kasi I'm with my family na. Kung dati ay ako ang gumagawa ng lahat sa bahay dahil mag-isa nga lang ako- ngayon ay gumigising ako na ayos na ang lahat. may almusal with matching kape pa sa umaga. Luto na ang hapunan pag-uwi ko after work. Nalabhan na at nakasampay na ang aking sando, brip, medyas at uniporme. Buhay señorito na ako ulit! Bwahahahaha!

***
Nung Biyernes pala nakita ko ito at ipinost sa aking FB wall:

“If he’s not calling you, it’s because you are not on his mind. If he creates expectations for you, and then doesn’t follow through on little things, he will do same for big things. Be aware of this and realize that he’s okay with disappointing you. Don’t be with someone who doesn’t do what they say they’re going to do. If he’s choosing not to make a simple effort that would put you at ease and bring harmony to a recurring fight, then he doesn’t respect your feelings and needs. “Busy” is another word for “asshole.” “Asshole” is another word for the guy you’re dating. You deserve a fcking phone call.” 
― Greg Behrendt

Sobrang na-struck lang ako at naisip ko nga..mukhang may konting mali sa nangyayari sa aking lablayp.

BUSY IS ANOTHER WORD FOR ASSHOLE. Naka-caps lock para intense.

Di ako maka-move on sa mga katagang yan. Parang gusto kong magpunta sa London para mag soul searching. Charaught.

Hopefully makabalik na ako sa regular programming. Dumagsa sana ang work at raket sa pagpasok ng buwang ito. 

Dahil kaylangan ko magpagawa ng bodega. :))

So there.

galing dito ang picpac


3 comments:

  1. nice..thanks sa update kuya aleckx! :) sino ba yang asshole na yan?? patira na natin kay bogart.. hehe keri lang yan... magkakapera ka din at makakapagpagawa ng storage room.. hihi

    ReplyDelete
  2. Goodluck. Marami-raming adjustments yan..privacy,grotto and landscape and all. Sa lovelife naman, well ganyan talaga. Ang sarap kaya mag imagine pag puro pantasya pa. Pero pag totoo na..nababawasan ang kinang(?)

    ReplyDelete
  3. @littleyana yung grotto at landscape ay tapos na last year, natambakan lang ung garden ng mga gamit kaya di na makita hehehehe..

    the lovelife, as of posting time, ay OK naman hahaha

    salamats :)

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages