Next week daw sabi ng PAGASA officially summer na.
Although, technically, wala naman talagang SUMMER sa Pinas kundi hot and dry season at wet and rainy season lang.
Wet and dry. Ang lakas maka-palengke lungs di ba? Hihihi
Bilang malapit ang dear Pinas naten sa equator, kaya ayan, mainit talaga sa bansa naten.
Ang chismis, madali akong mainitan. Because Im hot na talaga. Ahihihihi.
Pero seryoso, kahit pagtapos ko pa lang maligo at nainitan na ako, mahihiya ang Hinulugang Taktak sa pawis ko. Healthy daw ang nagpapawis sabi nila. Buti na lang, ala namang masamang amoy ang pawis ko. Amoy Bambini Cologne pa nga, in fact. Ahihihi
So dapat talaga ma-meet ko ang malamig na body temperature ko bago tumigil ang pawis ko.
Pag naman nalamigan na ako, ayos na. Stop Pawis na.
Sa LRT nga, todo paypay talaga. Or super dasal ako na malamig sana sa pwesto ko. Or else, shower of pawis ito.
Speaking of LRT, kagabi, yung katabi ko, nagtaas ng kamay-hahawak sa handrail e. Nakasando. Ayun, pagtaas ng braso, pakk! Amoy Bambini.Ahihihi.
Amoy tinapay pala. Alam nyo na.. putok!
Wala naman ako magawa. Siksikan e. Nag-wish na lang ako na sana ibaba na nya ang braso nya. Pasabog talaga ang kilikili ni kuya.
Yung totoo, di ba naamoy ng taong may putok ang anghit nila? Yung tipong mag-isa lang naman sila, halimbawa, sa room, tapos amoy anghit. Syempre, sure na, sya lang yun no!
Sarap daw mag-swimming pag ganitong mainit ang panahon.
Nakakatawa lang yung sa Pansol naman nagplano magswimming. Hot spring din karamihan dun di ba?E di, mainit din. Ahihihi
Kung pwede lang ipa-ercon ang buong Pinas..
Sarap na mag-beach 'no? Ahihihi
So there.
picture taken on my Apo Island, Dumaguete tour
No comments:
Post a Comment