Random Kembots - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, February 6, 2013

Random Kembots

Random thoughts dapat ang title ng entry na 'to. Kaya lang common na. Kaya Random Kembots na lang..ahihihi

Andami kong naiisip isulat pero sa dami di ko ma-compose. Pakk!

Yun ngang DIY Sagada entry ko, gang ngayon di ko matapos. Pero pramis, sa mga nagtatanong, ipo-post ko po. Abang lang. Pakk!

Random Kembots, here we go!

1. Galing akong Tanglaw Home last Sunday. Isang orphanage ng Virlanie Foundation. Masaya. May 23 kids dun. At maswerte sila to have house parents na mag-asawa talaga at tinuturing na silang mga tunay na anak. Si Mama Lak(?) na talaga ang totoong Tanging Ina. We had games, we mingled with the kids, nagpakain din kami ng konting meryenda. Sobrang fulfilling ng araw na yun. Na-tats pa nga ako at naiyak ng very light nung ininterpret nila ang 'Anak' ni Ka Freddie.

Made me feel blessed and grateful for the many things God has provided me. I hope to be back and visit the other homes.

Should you wish to visit too, check out Virlanie Foundation (www. virlanie.org)

 2. Nag-download ako ng Temple Run 2..Pakk! After 1 week, di pa din ako naka-score ng 1M. Hahaha pero masaya pramis. At syempre, nakaka-adik na naman. I downloaded Zombie Smasher too. Try ko laruin mamaya.


3. Senate OKs bill declaring Waling Waling as National Flower.
Wow ha! Napaka-importante naman nito. At talagang may nakaisip pang isabatas ito. Urgent?! Makakatulong sa pag-unlad ng Pinas? While this may symbolize something for our country, I just feel there are more pressing issues that needed to be addressed. 

Ano naman kaya ang isusunod na ihahain sa batas? Gawing pambansang hayop ang BUWAYA? Nakow, madaming manonominate tiyak. Pakk!

4. Sabi ng infomercial slash early campaigning ni Angara, may Free- Kinder Act daw sya. Vhukeeetttt??!! Free naman talaga ang kinder sa public school a! Yun daw tatay e may Free-High School Act. Isa pang Vhukeeettttt??!! Free din naman talaga ang High school sa public school no!

Kung ang tinutukoy nya ay free-kinder sa private school, baka pwede pa. Free naman talaga, kaylangan i-acknowledge sa kanya?! Paki-klaro nga po kung anung free yang sinasabi nya. Pakk!!

Free-WiFi Nationwide Act, baka maengganyo pa ako.. Ahihi!

5. Matagal na akong curious kung sino ang singer behind Mrs. Hanep-buhay's campaign jingle..
O sabay-sabay tayo: (Mataas na tono dapat) 'Ganito man akooooo.. Simpleng taoooo'


6. Balentayms na.. Malapit na. Ilang kembot na lang. Parang gusto kong makipag-date.. Ahihihi..


Movie date maybe. Tapos kain sa labas.

Or overlooking sa Antipolo o Tagaytay habang nakatingin sa stars. Ahihihi

Pero syempre, ayoko naman sumabay sa 14. Post VDay date maybe.

Ang tanong, may makaka-date ba? Pakk.

O makikinig na lang ako nito sa 14?!Ahihihi



O ayan na muna sa ngayon.

Pakk!

2 comments:

  1. Yung number 4 mo comment? pak na pak. Iyan din ang tanong ko tuwing makikita ko yun commercial na yan. The height of self-promotion! napaka misleading..

    ReplyDelete
  2. bad trip talaga ako dun..ok sana sya e..pero may self acclaimed act hahaha..ekis na sya sa balota ko

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages