Huling araw ng 2012. Wow! Palakpakan naman diyan!
This was helluva year! Tumambling, umisplit, nagsomersault with matching laughters, tears, uhog and all! Yes, wapak na wapak ang 2012 ko.
Markado ang Singapore trip ko last March. Bumalik ako sa pagkabata sa mga rides sa Universal Studios. Nag-enjoy ako sa Luge Ride at namangha sa Songs of the Sea sa Sentosa.
Bumalik ako sa Baguio noong birthday ko. Memorable din kasi I celebrated my 33rd with N4.
Much of the things I placed in my 2012 vision board naman were realized.
Fence and gate. Check.
Garden and landscape ( pond with grotto). Check.
BB unit. Check.
LED TV. Check.
And just yesterday, I bought a tablet PC.Check
Settle my credit card bill. Check na check.
Di natuloy ang planong bumisita sa hometown ni father sa Albay, Bicol to see the magnificent Mayon Volcano. Flop pa din ang kagustuhan kong mag Sagada. I wish next year, matuloy na.
Binalak ko din sanang magkaron ng bigasan showcase, subalit magastos pala ang magpa-gate kaya baka sa sunod na lang. :)
Ngayong taon din ako nag-jump from being a HR Recruitment Head to an Account Officer. Nung una, skeptic ako tanggapin ang offer to do sales. Pero medyo naenjoy ko naman. It's also a way to expand my horizon and to go out of my comfort zone. Di man ako naka-quota bilang bago pa lang ako sa eksenang ito, positive naman ako for 2013. Umulan sana ng maraming clients at makapagdeploy sana ako ng sandamakmak.
Series of temporary goodbyes din ang taong ito. Umalis si Blyth at Dulce-mga colleagues ko sa recruitment team. Si Myla naman, ang nalalabi sa N4 ay tumawid dagat na din. Minsan ay solo pa din ako sa pantry kapag lunch dahil wala na nga sila-pero ayos lang. :) Alam kong darating din ang araw na muling mapupuno ng tawa at chismisan ang pantry. :)
Malungkot din ang Pasko ko dahil nilisan na nga ako ng isang napakabuting kaibigan na si Yogi. I know, he is now in the hands of the Creator. Sa lahat ng ating pinagsamahan, salamat kaibigan and I will never forget you.
His passing away made me realize once again to treat each day as if it's the last. To say I miss you and I love you more often--because life is too short to not let the special people in our lives know how much we love them.
For 2013, I am yet to make my vision board. No resolutions for me, mainly goals and plans.
Siguro, I'll focus on living a healthy life. To jog, eat healthy and minimize alcohol.
I also hope to work with 5 new clients for 2013. Para maka-quota na..hihihi
I wish to travel more too. Visit North and South Philippines. And hopefully celebrate my next birthday at Acuatico. Spell gastos?! hahahaha
SANA
Sana, si Atom Araullo na ang maging anchor ng TV Patrol.
Wala na sanang major major bagyo na tumama sa Pinas.Sana yung sweet and mild at walang malaking damage na idulot.
Makapagbigay sana ako ng trabaho sa mas maraming tao.
Magreformat na sana ang It's Showtime at ibalik na ang original plot ng A Beautiful Affair.
Ma-feature sana sa MMK sina Sheryl at Romnick, Aljon at Mane at Nora at Pip.
Magkaron din sana ng DOSTALGIA- isang free channel featuring the shows of ABSCBN during 80s and 90s. As in ung timeslot ng shows noon pa din ang mapapanood. Parang time travel watching Sang Linggo napo Sila, Ready Get Set Go, Tatak Pilipino, Palibhasa Lalake, Maricel Drama Special to name a few. Astig yun di ba?
Sana tayo na din ang manalo sa Miss Universe, World, International at i-knock down sanang muli ni Pacman ang lahat ng makakalaban nya.
Sana pumayat na si Mega. Magkaron na ng karir si Claudine.
And lastly, wala na sanang magpatugtog ng Gangnam Style mula bukas. Please.
Ang pinakamalaking sana, ulanin sana tayo ng biyaya at pagpapala mula sa Itaas.
Magtrabaho ng maayos sabayan ng malalim na pananampalataya at sure ako na mas wapak na wapak pa ang 2013!
Para sa isang maunlad, masaya at markadong 2013, Itaas mo!
Happy 2013 y'all!
Happy New Year Allan! :)
ReplyDeleteHapi new year!
ReplyDeleteFlat shoes on Atom Araullo. Hahaha!
ReplyDelete- Dotz