Medyo may pagka-busy lang ang week na ito kaya ngayon lang ako makakapag-post on my birthday. :)
Yes, nag-birthday ako nung November 16. I turned 25!
OK. 28. lolz
Baka maghurnamentado ang mga kaedaran ko.. hahaha I celebrated my 33rd! Palakpakan naman diyan!
Pero aminin nyo, wala sa mukha ko ang edad ko. Salamat sa batong panghilod na minana ko pa sa mga ninuno namin. It works wonders!
Nasa seminar ako nung birthday ko. Ang saya di ba? hahaha
I attended the 39 More Ways to Close More Sales Seminar. Panalo. Dami kong natutunan- 39 lahat!
At bilang ayaw ko madistract sa seminar-ay pinili kong i-deactivate ang birthday notification ko sa Facebook. And voila! Alas-diez na ay 3 lang ang nakakaalala at nag-iwan ng birthday greeting sa timeline ko. I really have amazing friends! Hahaha. They sure forgot my special day. Ambabait di ba? I love them dearly. :)
Well, ayos lang yun. Marami din naman nag-greet sa text. Yes, uso pa ang SMS. 'wink'
Bago maghatinggabi ay wala pang isang-daan ang bumati saken sa FB. (Nasa 200 ata mahigit last year) Sa mga nakaalala, maraming salamat. Sa mga hindi, di ko din kayo babatiin sa birthday ninyo. Fair lang. lolz
Nov 17.1AM. Victory Liner Pasay. Heading North.
Umalis ang bus namin patungong Baguio. Dun ko naisip mag-celebrate ng birthday kasama ang N4. Wala na munang inuman with tropa, I just wanna be away at the hustle and bustle of city life. (Maka-hustle and bustle lang.Ahihihi)
Either
a.) May kakuparan talaga magmaneho si Manong driver
b.) May problema sya sa pantog kaya makailang ulit kaming nag-stop over
c.) Gutom na gutom sya at need nya kumain every 2 hours
kaya pasado alas-siete na kami dumating ng Baguio. Yes, ang bagal di ba?
Pagbaba ng bus ay nagtaxi na kami papuntang Lower Scout Road para sa inupahan naming transient house. Ilang minuto pa, go na kami sa Camp John Hay para mag-breakfast sa Mile-Hi Diner.
May inakyat kaming lugar sa Camp John Hay kung nasaan ang The Lost Cemetery, Bell House at Bell Ampitheater.
At kahit hilo pa dahil wala pa kami masyadong tulog, dumirecho na din kami sa Diplomat Hotel. Matagal na akong curious sa lugar na yan sa dami ng kwentong kababalaghan na narinig ko kaya di ko na sya pwedeng mapalampas ngayon.
Dya-raan!!
Sa pagbaba ko pa lang ng taxi ay kinilabutan na ako- no, hindi ako naghahanap ng banyo that time. Ahihihi. Basta bigla na lang nagtayuan ang balahibo ko sa braso.
Malamig sa loob ng Diplomat Hotel. Kapansin-pansin ang krus sa gitna. Dati ata yang hospital nung panahon ng Amerikano tapos ginawang hotel. Kung bakit may krus, di ko din alam. Sabi ni Manong guard na nakausap ng mga friends ko, isang buwan pa lang daw sya doon pero madami ng nakakatakot na pangyayari sa gabi.
Nirerenovate ang loob. Sayang nga. Mas OK sana kung yang ruins na lang talaga ang matira to preserve the old feel. Ewan ko kung anung balak nilang gawin dun.
I was hoping my cam will capture something eerie, pero wala.
Power nap muna kami after Diplomat Hotel. Naglate-lunch kami sa Kubong Sawali Restaurant sa Military Cut-Off Road. Then lumipad na kami sa BenCab Museum.
Our eyes feasted at the galleries. Marvelous painting, wonderful Cordillera treasures, amazing photographs and artifacts. Sulit ang P100 entrance fee.
We also tried the drinks at Cafe Sabel. Sa loob din yan ng BenCab Museum.
GABI. Run na kami sa Market para mamili ng pasalubong. Nag-dinner kami sa Session Road. Sa bahay na lang kami nag-inuman bilang mga pagod na kami para gumimik pa.
Kinabukasan, inumpisahan namin ang araw sa pagsimba sa Baguio Cathedral.
Then larga na ulit sa La Trinidad, Benguet to visit Strawberry Farm!
along the way..
at the Strawberry Farm..ta-daa!!
I would have wanted to spend another night in Baguio pero may pasok pa ang mga kasama ko sa work kinabukasan.
Hay, ilang beses na ako umakyat ng Baguio pero love ko pa din bumalik. In fact, I would want to work there.Hahaha. I love the cold weather and away from the busy Manila lifestyle.
Sa N4- Dulce, Myla, Blyth-- thank you for the company. I love you all.
To everyone who remembered me and sent me birthday greets on Facebook (I can't mention you all)- Salamat ng marami!
Sa mga nagtext- Don OP, Ate Roselle, Kuya Aye, Master, Pinsan Lhen, Det, Dulce, Myla, Celeste, Alvin A, Lizbeth, Dante, Joyce, Jane, Francis Y, Ivee, Kap Diony, Arnie, Gil, Mark OP, Chelle, Marlon, Magie and Ate Myles-- Maraming Salamat!
At syempre, sa Poong Maylikha, sa aking loving parents at mga kapatid - walang hanggang pasasalamat.
My life has been more meaningful and wonderful because Im surrounded by special people like you all.
Muli..
wow! ang saya naman ng bday celebration mo..you just gave me an idea for my upcoming bday hehe.. anyways happy belated birthday to you! more to come :)
ReplyDeleteThanks sweetie..kung may budget pa nga sana, i would love to revisit Coron. There's so much more to explore pa in Baguio. Go na and advance happy bday :)
ReplyDelete