Usapang Kulangot - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Monday, July 9, 2012

Usapang Kulangot

Babala: May ilang salitang maaring 'gross' sa inyong standards. Reading discretion is advised. Ahihihi.

Ang mata, may muta.
Ang tenga, may luga,
Ang ngipin, may tartar.

Ang ilong,may kulangot.

Ganyan ka-systematic ang ating katawan. Nakalugar ng maayos ang mga,ummm, 'wastes'. I know, meron ding ihi at t*e-at wag nyo na akong piliting isulat pa kung saan lumalabas ang mga yan.

Imadyinin mo kung ang kulangot ay nasa dila. O kaya luga ang nasa mata, tartar ang nasa ilong at kulangot ang nasa tenga. OK, wag mo ng imadyinin--parang ang sagwa. 

Ang punto ko lang, mahusay ang pagkakawesto sa kanila. Agree? Palakpakan naman diyan!


DALIRI ang madalas gamitin sa pantanggal ng kulangot. Ang hirap ata kung nasa lalamunan ang kulangot, di ba? Mahirap syang alisin. Kaya OKS na sya sa ilong. Ang iba gamit ang hintuturo, may ibang pa-sweet na gamit ang hinliliit. Mahirap kung middle finger ang gagamitin. Di ko sure kung thumb ang gamit ni Panchito (+).

Sa mga may budget at maarte, cotton buds ang gamit nilang pang-alis ng kulangot. Naks! Shoshal! Minsan tissue o kaya ang simpleng panyo-keri na.

Sa mga wapakels, talo-talo na! Sundot kung sundot gamit ang hintuturo--at kesehodang nasa dyip pa yan o LRT, dedma! 

May art din ang pag-alis ng kulangot. May iba na ninanamnam ang pag-alis nito sa ilong. Banayad at sweet. ..habang nakikinig sa soft music ng The Carpenters.

Yung iba susungkitin,bibilugin --saka pipitikin. 

Tama nga siguro ang katagang: Di ako kulangot para iyong bilog-bilugin!

O kaya: Di ako kulangot na iyong susungkitin at pipitikin!

May kulangot na tuyo, may kulangot na basa, may kulangot na kung makadikit sa paligid ng ilong mo ay OA mangunyapit-masakit na may kasamang buhok pag tinanggal mo.

Paano nabubuo ang Kulangot? Ayon dito:

To understand what boogers are, you need to know about mucus . Mucus is the sticky, slimy stuff that's made inside your nose. Your nose and sinuses make about a quart (about 1 liter) of snot/ booger/ kulangot every day.

Mucus has a pretty important job — it protects the lungs. When you breathe in air through your nose, it contains lots of tiny things, like dust, dirt, germs, and pollen. If these made it all the way to the lungs, the lungs could get irritated or infected, making it tough to breathe. Luckily, snot helps trap this stuff, keeping it in the nose and out of the lungs.
After this stuff gets stuck inside the nose, the mucus surrounds it and some of the tiny hairs inside the nose called cilia . These hairs help move the mucus and the trapped stuff toward the front of the nose or the back of the throat. When the mucus, dirt and other debris dry and clump together, you're left with a booger.
Yun naman pala. 
Kulangot Facts:
* Brown, green at black ang karaniwang kulay nito. Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakitang kulangot na pink or baby blue ang color.
* May mga haggard na magdidikit ng kulangot sa ilalim ng mesa, sa gilid ng desk at sa pader ng CR.Ugaliing magmasid sa paligid.
* Hindi matibay na paste ang kulangot.
* Maasim-asim ang lasa nito gaya ng natikman ko nung ako ay 5 years old.
* Di daw magtatago ng kulangot sa larong Hidden Chronicles sa Facebook.
* Wala pang biggest record ng booger sa Guiness. Contender anyone?
* Pinakamaraming kulangot ang nakukuha matapos ang putukan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
* May mga kagila-gilalas na kakayahan ang iba na gamitin ang dila sa pantanggal ng kulangot.
* Dalawapu't tatlong beses nabanggit ang salitang kulangot sa entry na ito.
***
OK, OK. Kung meron mang mabuting idinudulot ang kulangot, eto ay ang katotohanan na ang kulangot ang syang malinaw na patunay na ang ilong mo ay nagtatrabaho the way it should. :)



1 comment:

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages