Dahil Mainit. Bow. - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, May 2, 2012

Dahil Mainit. Bow.

' Magpahinga ka din..minsan kaylangan mo din magpahinga..'
Sabi ni friend yan.

Oo nga. I've been extending work til Saturday nitong mga nakaraang buwan. Halos Linggo na lang ang pahinga ko-- if I can call it that dahil madami pa din akong aktibidades pag Linggo. Kaylangan ko din talagang mag-rest.

And the much needed break came naman last weekend. Nagleave na ako nung Lunes para dere-derecho ang pahinga hanggang kahapon bilang Labor Day. Bonggels!

Sa kabutihan ng puso ng akong kaybigan na si Ate Lhen, minarapat nyang isama ang tropa sa Pansol, Laguna para sa isang miming party--bday din kasi ng bunso nya.

So tatanggi pa ba ako? Larga na.

Ito ang lugar.




Maganda naman ang lugar. Malaki. May kaliitan ang pool-pero ayos na sa dami namin. May 4 na rooms. May space para magparty at may garden sa gitna.

May ilang bulaklak. 'Bulaklak, kay ganda ng bulaklak, kay bango ng bulaklak, dulot sakin ay galak' Tama ba ang lyrics ko?





May view din ng Makiling!


Mejo masakit lang sa braincells ang papasok ng Pansol. Inabot ata kami ng 3 hours and 2 days sa traffic! Over OA talaga! Nagka-butt sore na ata ako sa tagal ng pagkakaupo. May mga traffic enforcers naman pero parang wala naman silang dulot. Calling Pansol Mayor..Paano dadayuhin ang lugar mo kung ubos oras naman sa traffic? Suggestion: SKYWAY.lolz

Anyway, mabuti na lang at maayos ang lugar kaya nawala ang init ng ulo namin sa traffic. So dinner lang muna, then tagay na!

Inumaga na ang tropa sa kabi-videoke, kakaswimming at kakainom. Pero maaga din kaming bumangon- para mag-almusal....ta-daaa! Red Horse at spanish bread!


Nagyeyelo sa lamig..at ta-tumbling ng 3 ulit ang tonsils mo!


In furnace, nag-enjoy naman ako. Kumain, uminom, naglunoy sa tubig, nagvideoke na parang walang bukas. Halos malapnos nga lang ang balat namin sa init ng tubig sa shower room. Bawal ata ang heat regulator sa resort na yun. Umpf!

Sayang nga lang, di kumpleto ang tropa.Mas riot sana kung kumpleto ang Tropang MC. Salamat pa din sa isang masayang okasyon na ito.

And yes, I needed this time out. :))

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages