Ang Pasko daw ay para sa mga bata. Agree. Maliban sa ating birthday, Pasko na ang susunod na pinaka-exciting na okasyon.
80's hanggang early 90's ang aking kabataan. Let's go down memory lane sa aking Pasko noong ako'y bagets pa.
mula dito ang larawan
CAROLING.
' Jinggam bells, jinggam bells..jingle all the wayyyy
Oww wats fun itistoraayyy
In a wan hors open sleyyyy...heyyy!! '
Dedma na sa lyrics di ba! Importante, maitawid ang awit. Dati ang alam ko, dapat mangaroling ka basta bata ka.. Kanya-kanya kaming grupo. Gamit ang mga marakas gawa mula sa alambre at pinitpit na tansan, tambol mula sa lata ng gatas at nilagyan ng plastic sa ibabaw (mas maraming rubber band, mas malalim ang tunog)- may kapartner na banana-q stick na may bubble gum sa dulo bilang drum stick, kutsara at tinidor, pwede ding pumalakpak ang iba kung walang dalang instrumento--konting practice ng 'Jinggam Bells'-- and we are ready to rock!
Hati-hati sa mapapangarolingan. Minsan 3 pesos..Pinakamaraming nagbibigay pag a- 24 ng Disyembre..Malaki ang koleksyon pag ganun! Pinakamalaki ata naming natanggap ang tig-50 pesos! Considering nasa mahigit 10 kami nun..Di na masama. Happy na kami nun! Super happy!
CHRISTMAS DECORS.
Di namin afford ang magarang Christmas tree. Masaya sana kung meron. Bongga kaya yun. Pero may binili kaming sanga na piniturahan ng puti, nilagay sa lata, sinabitan ng bells, balls, at kung anu-ano pang makikintab na chuva-dagdagan ng christmas lights at ta-daaaa!!!! Christmas tree na!
Madalas ay nangunguha pa ako ng maliit na bato para ibalot sa loob ng mga 'balat-kendi' at syang isasabit ko sa aming christmas tree. Dapat may star sa ibabaw at wag kalimutan ang belen sa paanan.
Sabit dito-sabit doon. Parol, christmas lights at syempe ang medyas. At magic yan, dahil paggising ko sa umaga, may laman ng kendi o pera!
CHRISTMAS PARTY AT EXCHANGE GIFT.
Bongga ito. Kaliwa't kanan ang parties pag Pasko. Sa school, kaylangan iba ang party outfit mo sa actual na isusuot mo sa Pasko..hahaha. Pabonggahan yan. At kung anu ang uso, yun ang suot ng lahat!
Ang saya ng party sa school. Sama-sama lahat ng grade 1--etc! At dapat may presentation! Papahuli ba ako? Kung ang mga kabataan ngayon ay sasayaw sa saliw ng Super Bass at mga hits ni Lady Gaga-kami noon ay nag-Running Man at nag- Roger Rabbit. Hit na hit ang Name Game at Super Sonic!
National anthem din ang 'Christmas In Our Hearts' ni Jose Mari Chan. Classic! 'Gang ngayon kinakanta pa din yan. Syempre, inenterpret pa namin yan nun, with matching heartfelt singing. Feel na feel!
Pretzels, sabon, bimpo, picture frame at tsokolate ang madalas na matatanggap mo sa exchange gift. Sabi bawal daw ang pagkain-pero anu naman ang mabibili sa halagang P15? Yan lang ang worth ng gift namin nun.
SIMBANG GABI.
Siyam na gabing sakripisyo sa pagbangon sa malamig na madaling-araw. Bilang di pa uso ang 'text' noon, palakpak at sipol lang ang hudyat na nasa labas na ang mga kaibigan ko at sabay-sabay kaming maglalakad papuntang simbahan. Walang ligo-konting hilamos at toothbrush lang; kunin ang jacket- and we're ready to go!
Di naman ako nakikinig sa misa noon. Basta ang alam ko, dapat makumpleto ko ang 9 na gabi para makapag-wish. Pero dahil mas masarap matulog pag ganitong panahon, mahirap kumpletuhin ang 9 na gabi.
College na ata ako nung nabuo ko yan. :)
MANO PO NINONG. MANO PO NINANG.
Suot ang mga bagong outfit, parang fiesta sa kalsada sa dami ng mga batang nag-iikot sa kanilang mga ninong at ninang para mag-mano at manghingi ng pamasko.
Pero bilang ang mga ninong at ninang ko ay nasa malalayong lugar, never kong naexperience ang tradisyon na ito. Habang ang mga kapatid at mga kalaro ko ay nagpapayabangan sa pagbilang ng mga pera na natanggap nila-ako ay nakatingala na lang at nag-aantay ng biyaya.
Salamat at may mga pinsan, tito at tita na dumadalaw sa amin at ako'y naaabutan. Minsan nag-aabot ng maliit na porsyento ang mga kapatid ko sa akin. Ang sweet!
AGINALDO at PASYAL ALL THE WAY!
Ang mga napamaskuhan ay iniipon ng mga bagets para bilhin ang pinakakaaasam na laruan o damit. O kaya, in our case, go na kami agad sa Grand Central para manood ng entries sa Metro Manila Film Fest.
Pag Christmas season, nagpupunta kami sa Luneta para magpicnic. May ferry ride pa noon sa Manila Bay. Di na din malinis ang Manila Bay noon, pero ayos lang. Masaya pa din.
Sa gabi may mala- COD na palabas sa lumang Ever Gotesco mall sa Kalookan. Eto yung mga display na gumagalaw.. Iba-iba ang tema bawat taon. Mani at cotton candy lang ang katapat ko noon, happy na!
Christmas is so simple then. Konti man ang nakahain sa noche buena table, ayos lang. I always look forward to opening the gifts as 12 midnight strikes. Kahit brief lang yun o sando o 20-peso bill-- walang kaso. That's more than enough to put a smile on my face.
No comments:
Post a Comment