My gas! It's been 11 years! Suddenly memories of that person and me came flashing back again.
Alam ko masaya na sya.
Alam ko di naman nya ako hinahanap. Baka nga nakalimutan na nya ako.
Pero syet! Sana naman kahit paano naisip nya ako. Kahit minsan.
Arte ko. Di bagay. And hello, antagal na. Di maka-get over?
Ganun ata pag nagmahal ka talaga ng bongga! Malakas ang impact! Dumadagundong. Ayaw paawat.
Sa totoo lang, di ko naman na sya mahal. Masaya na ako na minsan sa buhay ko, nagkasama kami. ( I know, ang arte ko na!! )
Kung nag-dadrama man ako ngayon--dahil na lang siguro sa mga meymoris ito.
And sure na, naka-move on na ako. Kung magkikita man kami ulit, I know, magiging masaya na lang ako para sa kanya. Totoo. Alang halong eklat yan. Peksman.
Ang tanong ni Juan--Paano nga ba mag-move on?
Eto ang ilang tips.
1. Magpaka-busy ka.
Join ka sa mga organizations or makipag-rubbing elbows all the time sa mga dabarkads mo. Isubsob mo ang sarili mo sa trabaho. Then party at night. Engage on a new sport or hobby. Mangolekta ka ng mga pictures ni Jolina, o ni Ate Guy o ni Ate Shawie. Kabisaduhin mo ang mga kanta ni Bjork o ni April Boy o ni Miriam Pantig. Basta dapat maging busy ka. Be very busy. When you're busy, nakakalimutan mo ang sakit na dulot ng inyong paghihiwalay.
2. Itigil na ang pag-iisip at pag-uusap tungkol sa inyong break up.
OK. Nasaktan ka. Naestablish mo na yan sa mga Facebook status at Twitter post mo. Tagos ang galit, lungkot at hinagpis mo sa inyong hiwalayan. Pero, pero, pero di makakatulong if you dwell too much on the problem. Magwala ka. Go, umiyak ka..keri lang yan! Pero pag nailabas mo na, yun na yun. Focus ka na sa paglimot.
3. Umiwas ka na.
Isa ito sa mga mahirap gawin. Nasa facebook list mo pa din sya. Pina-follow sa twitter at nasa Skype mo pa. Pero, kaylangan mo na umiwas. Burahin na ang cellphone number nya. Alam kong kabisado mo pa din ang number nya kahit burahin mo sa phonebook mo kaya pwede mong i-try na magpatihulog sa hagdan at asamin na magkaron ng selective amnesia--dapat yung number lang nya ang nakalimutan mo. Hanggat nakikita mo ang picture nya sa FB, hanggat nababasa mo ang mga status nya sa Skype, di ka makaka-move on.
4. Magpa-bongga ka.
Try sporting a new haircut.Try mo ang mo-hawk-o shaggy. O kaya magpa-full bangs ka o mag dread locks. Ibahin ang get up. Magpa-sexy/ macho kung kaya. Ayaw mong makitang humpak na ang mukha mo dahil puyat ka sa kakaisip ng mga pinagdadaanan mo. At di din nakakatulong ang pag-inom at o pag-aadik. Lalo kang papangit. Gupitin ang mga kuko, lihain ang mga singit--baka dahil sa kaka-dwell mo sa break up e nakalimutan mo ng alagaan ang sarili mo. Look good and feel good-sabi nga. Magpa-bongga ka and isipin na maganda/ gwapo ka pa din.
5. Magdasal at tanggapin ang katotohanan.
Magdasal pag ikaw ay nalulungkot. Madalas we find peace in praying. Pero wag mong idasal na sana ay makarma sya. Ipagdasal mo na maging matatag ka at mas madali kang maka-move on. Accept the truth that it is finally over and move on. Pag di mo pa din matanggap, tawagin si best friend at ipasampal mo sa kanya ang mukha mo habang sinasabi nya ang mga katagang- "Magising ka sa katotohanan! " with matching tears ka dapat para mas dramatic ang effect. Try mo muna ang mag-asawang sampal at pag di ka pa din nagising sa katotohanan ay try mo naman pasampal ng tig-apat sa kaliwa at kanang pisngi--sa paraang yan , masasabi mo na talagang TRUTH HURTS. Pero at least, tanggap mo na ang katotohan at nasa pagtanggap ang unang hakbang to move on.
6. Hindi nagtatapos sa 'kanya' ang iyong kwentong pag-ibig.
Oo kapatid, there's life after him/ her. Follow the 3 month rule-sabi ng isang pelikula. Wag ka munang maghanap ng replacement in 3 months. Pag ready ka na ulit, open yourself for a new love. Im sure, may makikilala ka pang bago at higit na karapat-dapat sa iyong pagmamahal..Sabi nga MOVE ON-It's just a chapter in the past, but don't close the book-just turn the page.
7. At pag di ka pa din naka-move on sa kabila ng mga tips kong ito--i-try mong bumili ng wheelchair. Pak!
**
pray, forgive and accept that everything happens for a reason..Di naman Nya hinayaan na mangyari yun pra saktan ka kundi para matuto din..May MAS DESERVING pa for you..:)
ReplyDeletemukhang naka-relate ka Miss Ivee ha..hehehe
ReplyDeletetama, mas maraming masaya kesa hindi--so forgive na lang.Tsuk!
In fair, kapatid, tagos sa kaibuturan ito ha! haiss.. un magpaka-busy at magdasal pa lang ang nagagawa ku sa mga sinabi mu.. pero pasasaan ba't magagawa ku din yan nyahahaha! thanks sweetie! ikaw na! :)
ReplyDelete@Teezmah walang hindi pinaghihilom ang panahon.. kaya mo yan
ReplyDeletekaaliw ang mga tips mo d2 ning!truempak 2 d max...
ReplyDelete