Dear Xerex: L sa L (Lampungan sa LRT) - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Saturday, October 22, 2011

Dear Xerex: L sa L (Lampungan sa LRT)

BABALA: Ang susunod na lathalain ay For Adults ALSO :))

Dear Xerex,

Nais ko pong ibahagi sa iyo ang aking nasaksihan kahapon habang ako ay pauwi sa amin mula sa opisina. Opo, di ko po ito istorya. Ito po ay kwento ng magsyotang naka-sabay ko sa Libertad station ng LRT.

Itago na lang natin sa pangalang Ismael si lalake at Mayumi naman si babae.

May itsura naman si Ismael. Di masyadong matangkad-mga 5'5 siguro. Nakatayo ang buhok-piho ko'y Gatsby wax ang gamit nya. Maayos ang pananamit- pero mukhang walang work.More porma lang.

Si Mayumi-di ko nakita ang mukha nya.Madalas ay nakatalikod sya at ayaw ko naman ma-obvious na gusto kong makita ang mukha nya. Well, Xerex, piho ko'y di sya masyadong kagandahan. Maliit sya-mga 4'9- singtangkad ni CGMA. Hanggang balikat ang buhok na di naman kakintaban. Nakasuot ng jacket na halos umabot sa kanyang tuhod. No Xerex, hindi sya hip-hop! Baka malamig sa work na pinagta-trabahuhan nya- feeling ko sa isang siomai kiosk..feeling ko lang naman.

Habang naghihintay dumating ang tren ay nakita ko na silang magkayapos, Xerex.

Dumating ang tren. Nauna lang ako sa kanila, at magkayapos pa din silang pumasok sa tren. Nasa kaliwa ko sila, at pare-pareho kaming nakatayo sa tren. Di naman gaanong siksikan sa loob. Sakto lang para kumportableng makapwesto.

Over mag-PDA ang magsyotang ito, Xerex. Super yakap si Ismael kay Mayumi. Madalas ay hinihigit nya lagi ang payat na katawan ni babae sa kanyang di din naman kalakihang kaha.

Ang kamay ni lalake ay madalas humagod sa likod ni babae. Tapos yakap ulit--mahigpit..mainit.. Ang paghagod sa likod ay simpleng dumadausdos pababa sa pwet ni babae. Oo Xerex, grabe talaga! Gusto kong takpan ang mga mata ko para di ko makita ang pinaggagawa nila! Juice ko, sa LRT talaga maglampungan?!

Lazada Philippines

Paminsan-minsan ay may ibinubulong si Ismael kay Mayumi. Di ko marinig pero sa tuwing may ibinubulong si Ismael ay itinataas ni Mayumi ang kanyang mukha sa mukha ni Ismael. Sa mga pagkakataong iyon naman ay hahalikan ni Ismael si Mayumi. Tsup! May tunog talaga, Xerex. Tsup!-- isa pa..

Hinahalik-halikan din ni Ismael ang buhok ni Mayumi.

Na para bang gusto nyang sabihin, "Gee- medyo matigas ha,anung shampoo mo? Araw ba?"

Yakap ulit. Mahigpit.Mainit. Marubdob. Para bang gusto nilang iparating sa mundo na- "Bawal ang space sa amin. Magyayakapan kami na parang walang bukas."

Naeeskandalo ako Xerex sa nakikita ko. Kulang na lang ay tanggalin nila ang kanilang mga saplot sa kanilang pinaggagawa. Pati ang mga taong nag-aabang sa mga istasyon na nakakakita sa kanila ay nanlalaki ang mga mata. 

Mahihiya ang titillating films ng Seiko noong 90s sa mga tagpo nila. Kinabog ang mga indie films na may temang kalaswaan.

Hinangad ko sa aking isip na bumaba sila sa Carriedo o D. Jose upang ipagpatuloy sa biglang-liko ang kanilang mga nararamdaman..Pero hindi Xerex. Sa Blumentritt station bumaba ang dalawa.

Hanggang sa paglabas ay ayaw pa din maghiwalay ng dalawa, Xerex.

model only.. di sila ang bida sa kwentong ito =))

Pero masaya na din ako dahil tapos na ang lampungan sa LRT.

Oo, Xerex..Makati pa sila sa higad!

Sige, ako na ang conservative, Xerex. Pero ang LRT ay pampublikong pasilidad. Kung gusto nilang mag-PDA..dun sila sa Luneta..o sa madidilim na sulok.Yung sila lang! Wag na nila kaming i-involve!

Nga pala, sa kanilang pagbaba ay pasimple kong naidikit sa likod ni Mayumi ang post-it na ito:

Hanggang dito na lamang Xerex at nawa'y nagustuhan nyo ang aking ibinahagi. Hanggang sa muli.

- Direk-

**
Let's connect.

7 comments:

  1. Hi Direk! Natawa talaga ako sa post mo kaya gusto ko i post ito sa blog ko! Thanks! All credits goes to you :) http://akosiboybastos.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. @ Boy Bastos,

    All the way! I'd appreciate if you can share my link. :))

    ReplyDelete
  3. nakakatawa at nakakaintriga.. ayaw na ayaw ko talagang nakakakita ng ganyan lalo na't single ako..hahaha..

    ReplyDelete
  4. grabeh, close pala kayo ni xerex? eh kamusta naman si boy mola? lol!!!

    ReplyDelete
  5. Ate Willa, actually..ako si Xerex..quiet ka lang..lolz

    ReplyDelete
  6. Ngayon ko lang nabasa to, pero nakakatawa. .hehe nakakabwisit nga naman ung mga PDA lalo na pag walang lovelife. . .jeje

    ReplyDelete
  7. Haha! Tama naman, kainis talaga mga PDA na yan. Lalo na pag walang lovelife, nakaka beastmodE. Pag makakita ng mahaharot. Jeje

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages