Matagal ko ng inaabangan ang pelikulang Zombadings 1-Patayin Sa Shokot si Remington. And finally, last night-sa Megamall Cinema 10, nagkaroon na ng katuparan ang wish na ito. Salamat sa Inquirer Libre sa kanilang bonggang-bonggang pakontes at nabiyayaan ako ng apat na tikets! (Daig ko pa ang pakiramdam ni Venus Raj, noong tinawag ang pangalan nya sa Miss U--nang malaman kong isa ako sa mga nanalo--waging-wagi ang 4 tickets!!)
VONGGA
Baklang-bakla ang pelikula ni Direk Jade Castro. Obvious naman sa title pa lang. Mahusay ang pagkakasulat ni Raymond Lee. Marami na akong napanood na pelikulang may temang kabaklaan--pero VONGGA ang atake sa pelikulang ito.
Bago sa akin ang bato ng comedy na ito. Wagi ang mga linya. Mahusay ang pagganap ng mga artista.
Isang malaking revelation si Martin Escudero. May timing ang comedy nya at kaaliw-aliw ang acting nya. Halos mahulog ako sa upuan ng magsayaw sya na parang ex-'Japan'. Pak na pak ang mga gay lingo na ginamit nya. Kagila-gilalas!
Bentang-benta din saken si Eugene Domingo-- kahit ilan lang ang linya nya sa pelikula. Patunay na di kaylangan mahaba ang linya to 'send the message across' ( o di ba?! ) Markado ang pag-i-skate nya sa loob ng bahay. Pak!
Wagi din si Angelina Kanapi. Never a dull moment from her. Masasabi kong isa sya sa dahilan ng paghagalpak kong parang walang bukas.
At syempre, ang husay nina Janice de Belen, John Regala, Lauren Young at Roderick Paulate ay di rin matatawaran. Kuya Dick--ikaw lang talaga yan..nag-iisa ka-It's you alone (in English)!
At syempre, palong-palo din si Kerbie Zamora. Mahusay ang laplapan scenes--di ko kinaya!!! Kasama ni Mart Escudero, isa si Kerbie sa mga susubaybayan ko sa pelikula at telibisyon.
MORE THAN A COMEDY FILM
Dahil mahilig manukso ng mga bakla si Remington noong bagets pa sya, isinumpa sya na magiging bakla din paglaki nya. Fast forward 15 years after, unti- unti ng nagkakaroon ng katuparan ang sumpa. Sa takot na isunod sa listahan ng mga shokla na pinapatay ng 'gay serial killer'- kaylangan ni Remington hanapan ng solusyon ang sumpa.
Higit sa katatawanan, ang pelikula ay tumalakay sa pagtanggap ng ating lipunan sa 'kabaklaan'.
Garantisado ang pagbigay ng aliw at saya at isang libong tawa ng pelikulang ito sa bawat makakapanood at ang pagpapaunawa sa pantay na pagtingin sa kung anuman ang sexual preference mo.
AWARD
Lalaki, babae, bakla o tomboy- di dapat palampasin ang isa sa pinaka-importanteng pelikula ng ating panahon.
Sa bumubuo ng pelikulang Zombadings 1 Patayin sa Shokot si Remington-- Wagi kayo! Pak!
TAWA NA!
Mahusay!! Winnur!! Awaard!! wahahaha...
ReplyDelete@yc_myla agree!
ReplyDelete