'Kulo' o 'ULOK' ? - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, August 17, 2011

'Kulo' o 'ULOK' ?

Ito ay art.

MONA LISA (mula dito ang larawan)

Ito ay art.

SPOLARIUM (mula dito ang larawan)

Ito din ay art.

mula dito ang larawan 

Eh ito?

Poleteismo ni Mideo Cruz (mula dito ang larawan)

Ang huling larawan ay ang kontrobersyal na likha ni Mideo Cruz. Art nga ba itong maituturing? Di ako magaling mag-drawing. Pero marunong naman akong mag-appreciate ng 'ART'. Nakikita ko ang ganda at mensahe likha man ito ng isang batikan na alagad ng sining o kahit ng isang paslit.

Pero Mideo, Mideo, Mideo.. pinag-init mo ang bumbunan ko..ginising mo ang nahihimbing na galit sa aking dibdib..pinagdilim mo aking paningin. Halos di kita matantya. Sa totoo lang, dapat bang lagyan mo ng ari ng lalaki ang mukha ni Jesus? Simbolo daw ito ng power ayon sa ungas na ito. Pero 'tol, where are your creative juices?? Nagsabaw-sabaw na ba ang utak mo kaka-noodles?! 

Di ko sure kung Katoliko ba si Mideo Cruz, o Kristyano o sumasamba sa hangin-- wala akong alam sa religious background nya. Pero ang ginawa nya ay di kaylangan saklawan ng pananampalataya para ipanuwa sa atin na ang kanyang OBRA (daw) ay isang ART.

Freedom of expression--sige na nga! Pero wag naman yung basta may mai-express lang. And really, sa CCP pa?? Ewan ko ba kung anung sapi meron ang taong yan. Kilabutan ka naman sa pinaggagawa mo.

Oo, ako na ang conservative. Sige, wala na akong taste sa art. Pero ang gawa nya ay Blasphemous.

And Mideo, sana matutunan mo ang salitang RESPETO.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages