Sa araw-araw kong pagdaan sa Pasay Road, papuntang trabaho ay nakikita ko ang malaking tarpaulin ng 'Family Radio' na May 21 JUDGEMENT DAY. Akala ko concert lang ng isang sectarian group. Aba, isa na pala itong babala ng paggunaw ng mundo! HUWAT!!!! Bukas na yun a! (Well, May 22, 6pm daw, PH Time)
mula dito ang larawan
Sabi ng Family Radio president na si Harold Camping, nasasaad daw sa Bibliya na sa May 21 na magugunaw ag mundo!Actually, hinulaan na din nya yan nung 1994 pero eto, nasa earth pa naman tayo.
Ang di ko kinaya, may mga naniniwalang totoong mangyayari ito. May mga nagbenta ng kanilang ari-arian bilang paniniwala sa hula na yan. E pano kung di mangyari yan? E di sa kalye na matutulog ang mga nagbenta ng bahay nila?
BAKIT DI AKO NANINIWALA NA MAGUGUNAW NA ANG MUNDO SA MAY 21?
Di pwedeng magunaw ang mundo sa May 21. Maraming reasons..as in madami..mga libo..ganyan..
Eh wala naman talagang makapagsasabi kung kelan nga yan mangyayari. Di si Camping o ang mga Mayans o si Nostradamus o si Madam Auring-wala! Syempre, yung nasa Itaas lang ang nakakaalam. Yung iba kasi ang daming alam..nananakot pa!
Di pa pwedeng magunaw ang mundo kasi..ammm..bata pa ako! Andami ko pang di nagawa! Di pa ako nakasakay sa kabayo, nakanood ng concert ni Mariah, nakapagpakain ng inahing baboy, nakapagpatubo ng sibuyas at saluyot, nakaakyat sa puno ng niyog, nagpa-dreads!
Di pa pwedeng magunaw ang mundo kasi ang dami ko pang di napuntahan- Davao, Acuatico, Berlin, Maldives, Paris, New York, Vatican, Vigan, UK, India, Japan, Korea, Iraq, Iwahig.
Di ko pa nga nahahanap si My True Love, magugunaw na mundo! Aba, wag muna! Kaylangan makapag-moments of love muna kami.
Gusto ko din muna makapagpa-picture kasama sina Oprah at Pnoy. Makapag-mano at mahalikan ang kamay ng Pope; Makapagpa-autograph kay David at Victoria Beckham. Magkaron ng cameo role sa Glee--kakanta lang ako ng Lately; kaylangan din pala may photo op kay Idol Stevie Wonder. Gusto ko din makipag wacky pic kasama sina Madama Rosa, Mahal at Dagul!
Di pa pwedeng magunaw ang mundo kasi di pa nagagawa ni Anna Manalastas ang misyon nya! Si Ate Shawie din kaylangan muna pumayat. Pano na din ang remake ng Temptation island, e di hindi na maipapalabas?
At sana bago magunaw ang mundo, sana magbago na sina Willie Revillame at Cristy Fermin. Makulong sana ang may kagagawan ng Maguindanao massacre, maputulan ng kamay si GMA sa lahat ng mga ninakaw nya sa bayan, kasama ang sampu ng kanyang alagad!
ANG POSITIBO SA TSISMIS NA YAN
Isa itong pagpaala-ala sa ating lahat to treat each day as if it's the last. Tama naman, gumawa ng mabuti lagi- magtapon ng basura sa tamang lugar; wag umihi sa mga pader; kumalma pag nagmamaneho; maging loyal sa dyowa; wag maging corrupt; mahalin ang mga magulang, kapatid, kaklase, katrabaho, kababayan, kakampi, katoda, kachokaran, kakekikoku; You'll never know, baka nga last day na--at least nakagawa ka ng kabutihan. Para kapag humarap na tayo sa Judgement day, pasok ka sa finals!
No comments:
Post a Comment