Usapang Multo - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Friday, March 4, 2011

Usapang Multo

Marami na akong experience na paranormal. Ilang beses na akong nakaramdam at nakakita ng mga bagay na di nakikita ng karamihan. Mahirap paniwalaan pero nangyayari. Di na din naman bago ang usaping ‘third eye’. Siguro nga meron ako nun.

Nakakita at nakaramdam na ako ng multo sa simbahan, sa resort, sa bahay namin, sa kapitbahay, sa bahay ng friends ko, sa mga school, sa Bataan, sa Caritas, sa Boracay, sa Sto. Domingo, sa Marinduque at sa kung saan-saan pa.

Hilig ko manood ng nakakatakot. Magbasa at magsaliksik about paranormal. Pero ayokong makakita ng ‘hard core’ multo. Yung duguan ang mukha o mala- The Grudge na babae sa ilalim ng kumot. Yoko naman umabot sa ganun.

Pero napansin nyo bang minsan nai-stereotype ang multo? Halimbawa, white lady o black lady. Walang red lady? O kaya pink? Kaylangan ang multo ay sundalong Hapon. Bakit dapat Hapon? Bakit hindi sundalong Intsik o kaya German o Libyan? Dapat sundalong Hapon lagi.

Pansin nyo din ba ang batang multo? Dapat naglalaro ng bola.. di pwedeng naglalaro ng trumpo o kaya yoyo o kaya saranggola.. Dapat bola ang nilalaro ng batang multo.

At bakit laging pugot ang ulo ng paring multo?

Ewan ko pero napansin nyo bang wala masyadong multong doctor o attorney o presidente o model o sepulturero? May multo din kayang adik o kaya janitor o prosti o magsasaka o basurero?

Dapat laging white lady o kaya paring pugot ang ulo? Parang weird di ba?

Ang daming multo sa atin. Sa lahat ata ng lugar na napupuntahan ko may multo. May haunted house, haunted hospital, haunted school, haunted churches, haunted cemetery at haunted hotel. May ghost towns pa. May ghost employees at ghost projects din ( ibang multo naman ito).


Lazada Philippines
So papaano mo malalaman kung may multo sa lugar nyo? Ayon sa aking pananaliksik, ito ang mga senyales:

-       Di maipaliwanag na ingay- mga tunog na nalalaglag, yabag at mga scratching sounds- maaring mahina o malakas. Pero tingnan mo muna kung ang paligid, baka pusa yan o parating ang nanay mo o nahulog ni yaya ang baso. Pag wala, multo yan!

-          Pagbukas-patay ng mga ilaw- mistulang strobe light ang flourescent lamp mo. Maari ring mangyari sa TV o computer. Siguraduhing gumagana ang starter ng ilaw mo bago mag-ilusyong may multo sa lugar mo

-          Nawawala-lumilitaw ang mga gamit- Sumubo ka ng pagkain matapos ay nilapag mo ang kutsara at uminom ng tubig. Ng akma ka ng susubo muli, wala na ang kutsara! Magic? Hindi.. may multo! A-woooo!

-          Di maipaliwanag na mga anino- may mga tinatawag na ‘shadow people’. Ito yung biglang nakakakita ka ng mga anino ng tao. Siguraduhin munang di mo anino yan bago ka manghilakbot!

-          Kakaibang kilos ng mga hayop- nagkakahulan ang mga aso sa disoras ng gabi. Nagngigiyawan ang mga pusa at itsurang may sinusundan ang paningin. Madalas daw may nakikitang kaluluwa ang mga aso at mga pusa. Mas matalas daw ang pakiramdam ng mga hayop ayon sa mga pag-aaral. Nakakakita din kaya ng multo ang mga daga, tigre ,isda at dinosaur?

-          Parang may nakatingin sa’yo- Nasa banyo ka at nagsisipilyo ng parang may dumaan sa likod mo. Naliligo ka ng maramdaman mong parang may nakatingin sa’yo. Bago ka magtutumakbo sa takot, tingnan mo muna ang paligid dahil baka may naninilip sa’yo. Kung wala, sure na- multo yan! O sino yang nasa likuran mo ngayon? Hehehehe

-          Psychokinetic Phenomena- mga halimbawa, nakita mong bumubukas- sumasara ang pinto. O biglang bumubukas-namamatay ang ilaw.O kusang nagla-lock ang pinto. Automatic? Naaaa, baka multo!

-          Parang may humahawak sa’yo- Nasa opisina ka at nakaharap sa computer ng parang may humawi ng buhok mo.Natutulog ka na ng bigla kang magising dahil parang may humahawak sa’yo. Luminga muna sa paligid, baka andyan si jowa at naglalambing sa’yo. Pag wala, mag moment ka muna sandali at saka ka sumigaw ng: MULTOOOOOO!!!!

-          Mga iyak at bulong- may naririnig kang mga iyak, o kaya parang tinatawag ang pangalan mo. O kaya may naririnig kang tunog ng piano (na tumutugtog ng Bad Romance)..tumingin ka sa paligid at narealize mong mag-isa ka lang! O hindeee, may multoooo!!!

-          Cold spots- maalinsangan..pabibiling-biling ka sa iyong higaan ng biglang lumamig sa iyong paanan. Kasabihan ng mga matatanda, may nakaupo daw sa paanan mo. Bago ka magreact, siguraduhing di nakatapat sa ref ang kama mo.

O ayan, pag nangyayari 'yan sa lugar mo, malamang may multo diyan. Alam mo na, =)


Ikaw, naniniwala ka ba sa multo?

mula dito ang larawan


**
Let's connect.

1 comment:

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages