Hilo-hilo - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, January 20, 2010

Hilo-hilo

Hilo-hilo.. di ako Kapampangan..Di lugar ang 'Hilo-hilo'..di din yan meryenda..Basta nahihilo ako..yun lang..

Nasa DFA ako kahapon to get a passport. I know, nagpa-agency na lang sana ako para wag ng pumila ng maaga..Pero dahil nagtitipid ako, I decided to experience na lang the 'pila'.

Nakakahilo..i have to get up by 4.30am to prepare. 12mn na ako umuwi the previous night dahil birthday ng kaibigan kong si Ramon..Di na nga ako nagmamam dahil baka mahilo ako sa pila.Sy*t!Less than 5 hours lang ang tulog ko!

I boarded the LRT at 5.30--andilim pa sa labas!I was at Libertad station by 6am..Go na kami ng officemate ko sa DFA..

Marami ng tao sa labas ng DFA..Mga agents na haharangin ka at kunwaring ive-verify ang documents mo..Pipilitin ka nilang dun na magpa-picture dahil mali daw ang dala mong picture..Hello!! P150 din yun.. Ininggles ko sila..ayun..OK naman daw ang picture ko.. Nawindang siguro sa nosebleed..Hahaha!

Enter the dragon..Madami ng nakapila sa court ng DFA..We just hope umabot kami sa cut-off nila.It took us at least 2.5 hours bago na-verify at nabigyan ng number..7697 ang nakalagay sa application ko..inferness,mabilis naman ang proseso..

Run na agad kami sa Gate 3 for the next step.. Titingnan nila ng documents mo kung pasok sa banga..Dahil sumunod kami sa itinakda, check ang requirements namin! Yi-haa!

Derecho na sa cashier to pay. P750 ang binayaran namin for the 7 day processing. Tapos go na agad sa auditorium for the encoding.. Pila ulit syempre..OK lang kasi pasado alas nueve lang naman nun..Nahihilo na ako sa antok!

In no time at all na kay encoder number 10 na ako! And voila! tapos agad..Submit na lang ng papers, thumbmark, nguya ng bubble gum and Im done! Ambilis!

Nagpa-deliver na lang ako via 2Go sa halagang P99 para di na bumalik pag ready na ang passport!Ayoko ng mahilo ulit sa pila.

Before going to office kanina, I decided to drop by the ATM machine muna to withdraw..Bigla akong nahilo! Ang laki ata ng deduction ko! As per our accounting peep, dahil daw yun sa tax chuchu..Pero babalik din sa dati ang average earnings ko..Hay..buti naman!

Ngayon, nahihilo na naman ako sa sandamakmak na resumes na kailangan ko i-review!Hindi nauubos ang mga aplikante! Kakahilo!

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages